Chapter 33

33.7K 501 3
                                    

Chapter 33

Ilang minuto din akong nakatanga sa taong nasa harap ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko sya ngayon.

Sa mga pagkakataong ito ay dapat na sinusugod ko na sya ng yakap at halik. My body wants to hug and kiss him. My lips wants to say that I missed him pero hindi ganun ang nangyare. Dumapo ang mga palad ko sa pisngi nya. Kasabay ng pag-agos ng mga luha mula sa mga mata ko. He's a monster for me now, a nightmare. Puro sakit lang naman ang ibinibigay nya sa akin. Ni katiting na pagmamahal mula sa kanya ay wala akong maramdaman.

And now he wanted me to come back?

Doon na ako tumalikod at sinikap na maglakad ng mabilis. Nasa parte na ko ng resort na walang tao nang maramdaman ko ang mga braso nya sa bewang ko. He's hugging me from behind.

"I'm so sorry, please. Bumalik ka na sakin, M-maia. I remember everything now. Please comeback, hindi na mauulit.." Naramdaman ko ang paghalik nya sa ulo ko ngunit hindi ako nagpatinag. Inalis ko ang mga braso nyang nakapulupot sa bewang ko at hinarap sya.

"T-tama na, Vulc. I'm glad bumalik na ang alaala mo pero pasensya na kasi hindi ko na kayang bumalik pa sa buhay mo. I don't want to be part of your life anymore. I'm scared.. I'm so scared to be broken again. Baka sa susunod ay hindi ko na makayanan.." I paused para ipahid ang mga luha sa mga mata kong nanlalabo na. "Ang sakit-sakit na, Vulc. You made me feel like a trash, na itatapon mo na pagtapos mong gamitin. 4 years, Vulc! 4 years! 4 years kong kinupkop lahat ng sama ng loob ko nung ginahasa mo ko! Pero nung nalaman kong nawala yung alaala mo, inintindi kita! Pinatawad kita para sa mga anak ko na anak mo din! Now that you remembered everything, I'm sure naaalala mo na din yung kahayupan mo?" Sambit ko at idinuro-duro siya. Tama nga sila, minsan mas magandang ilabas mo lahat para mabawasan yung sakit.

"M-maia.." He tried to hold my arms pero tinabig ko ang kamay nya. I saw hurt in his eyes but I don't care anymore. Mas malala pa nga yung naranasan ko kesa sa nararamdaman nya ngayon.

"Si Cali at si Cacus, sila yung bunga ng kahayupan mo. Pero kahit papano nagpapasalamat pa din ako. You gave me enough reason to live but not enough to stay with you, Vulc. A-ang sakit mong mahalin." Nanghina ang boses ko sa huling salitang nasabi ko. Nakita kong napayuko sya. I wanted to hug him pero hindi na kasi tama. Napapagod na ko.

"B-bumalik ka na sa Villa. Kailangan ka ng mga anak natin. K-kailangan ka ni Solenn.." Doon na ako tumalikod at naglakad palayo sa kanya habang patuloy ako sa paghagulgol. Nang mga oras na iyon ay nakaramdam na ko ng pagod. Nakakapagtaka nga na kung kelan sya lumapit sakin ay doon nawala ang pag-asa ko sa kanya. Doon ko lang napagtanto na hindi ko pala kailangan ang isang Vulc Lothario sa buhay ko.

Now, be strong Maia. You don't need him. Mabubuhay ako para sa mga anak ko at sa sarili ko lang.

****

"Are you kidding me?! That was.. that's mawkishly." Sambit ni Vulc habang nangangasim ang mukha. Napahalakhak si Orcus Lothario. Ito ang pinsan nya na anak ng tito Pluto at ng asawa nitong si Proserpina. Mas lalo tuloy syang napangiwi.

"Believe me, dude. Laking probinsya ako at yun ang effective na paraan para mapasagot o magkaroon ng amor sayo ang isang babae." Dito kasi sya humingi ng tulong dahil na-witness nya noon kung paano nito makuha ang asawa. It's because of his famous mawkishly lines and actions.

Ayaw naman nyang humingi ng tulong sa mga kapatid 'cause they're all lothario, whose chief interest is to seduce women. Well except for his older brother, Mars. Nakatali na ito sa asawa nyang si Venus at mahal nila ang isa't isa.

"Jeez. You know I can't sing." Napailing ang kaibigan. "Yes, you can. Narinig ka naming kumanta noon and your voice isn't that bad. Don't worry, we'll help you." Kumunot ang noo nya.

Smitten With A Beast (R-18) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon