Special Chapter (Part 2)

29.6K 446 25
                                    

Special Chapter (Part II)

"Baka naman nagkakamali ka lang ng dinig, Maia? Malay mo para pala sa friend nya yun?" Ani Era at saka sumubo ng isang pirasong fries. Siya ang asawa ng nakababatang kapatid ni Vulc na si Bacchus. Kumunot ang noo ko habang pinaglalaruan ang spaghetti-ng nasa plato.

"Hindi din, ika nga ni Maia.. "For our honeymoon." Ang sinabi ni Vulc sa kausap nya, diba? So, malamang.. " Sabat naman ni Kane.

"Tch! Alam nyo hindi kayo nakakatulong. Mas lalo nyo lang pinapalala, e." Singhal ni Venus sa kanila. Napasinghot ako.

Mula ng magkita-kita kami sa isang restaurant sa Taguig ay hindi ko na napigilan ang mapaluha.

Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ngayon pa sya nagloko, kung kailan madami na ang anak namin at kasal na kami. Para nya lang akong ginawang baboy na lalahian nya bago lahian ulit ang iba. Ano bang tingin nya sa sarili nya? Sobrang gwapo at galing nya sa kama? Kahit totoo naman..

Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao sa loob ng restaurant. I just wanted to take all the pain na nararamdaman ko ngayon. Ayokong mag-isip ng masama pero yun ang hindi ko maiwasan lalo pa't naging malamig sya sa akin nitong mga nakaraang araw.

Ramdam ko ang simpatya sa mga mukha nila at ang paghagod ni Venus sa likuran ko. "Sige lang, fren. Iiyak mo lang yan. Pasensya ka na at hindi kami magaling mag-advice, alam mo naman puro kaharutan lang alam ko. Hihi."

Sambit ni Venus. Napangiti ako't nagpapasalamat dahil mayroon akong mga kaibigan na kagaya nila.

Sa kabila nito, nandun pa din ang panibagong sugat na ibinaon ni Vulc sa dibdib ko.

****

Matapos ang tagpuan namin sa Taguig ay nagkanya-kanya na kami, may sari-sarili kasing lakad ang mga ito. Gusto pa sana akong ihatid muna subalit tumanggi na ko dahil sapat na din naman na nandoon sila at napaglabasan ko ng sama ng loob.

Ipinark ko ang kotse sa parking lot at saka bumaba. Nandito ako sa grocery para mamili ng mga kakailanganin kong sangkap para sa mga lulutuin ko mamaya.

Oo, itutuloy ko pa din ang plano ko para sa amin ni Vulc. Tanga mang pakinggan pero hindi naman ako nakakasigurado kumg nambababae nga sya, baka tama sila na mali lamang ako ng narinig. Oo, tama. Hindi pwedeng mawala si Vulc sakin at sa mga anak ko.

Matapos kong bilhin ang lahat ng kailangan ko, umuwi din ako kaagad. Halos magkapanabay lang kami ng mga anak kong dumating sa bahay, sinundo ko din si Bell sa lola nya.

Mabuti nga't napapayag ko ang batang iyon na manatili muna sa lola nya hangga't namimili ako. Paniguradong madami na namang ipapabiling laruan at candy ang batang iyon kung isinama ko sya.

Mabilis lang ang naging takbo ng oras. Nakapagluto na ko at napakain ko na ang mga bata. Tulog na din ang mga ito dahil may pasok sila kinabukasan.

Si Bell naman ay tahimik na naglalaro sa sala. Matapos kong ihanda ang mga pagkain sa mesa para samin ni Vulc ay nilapitan ko ang bunso ko.

"Hindi ka pa antok, baby ko?" I asked her while caressing her sof and fragrant hair.

"Ayaw pa tulog, mommy. Antay to pa daddy." At saka sya ngumuso sakin. I laughed. Ganito naman sya lagi, hindi talaga sya natutulog hangga't hindi dumadating ang daddy nya. Baka daw kasi may ibang girl ang daddy nya and she just wants to make sure na wala.

I sighed. If she really knows..

Hinayaan ko nalang muna sya maglaro ng dollhouse sa carpet at saka ako tumungo sa hapag-kainan. Bahagya ko pang pinunasan ang konting tapon na sauce sa lamesa.

I want this night to be perfect. Baka pag nakita ni Vulc ang inihanda ko para sa kanya ay maaalala nya kung sino talaga ang mahal nya.

Sumapit ang alas-nwebe ngunit wala pa din si Vulc. Naisip ko na baka nag-OT sya dahil baka tambak pa din ang paperworks nya pero dumating ang alas-diyes, alas-onse at alas-dose ay wala pa din ito.

Tunaw na yung ice cream cake na binili ko kanina, malamig na din ang mga putaheng nailuto ko. Balak ko sanang salubungin ang anibersaryo namin pagsapit ng alas-dose pero hindi naman nangyari yun.

Sinilip ko si Bell na mahimbing na ang tulog sa sofa. Hawak-hawak pa nito ang laruan habang nakahiga sa carpet.

Lumapit ako at kinuha ang unansa sofa at saka inunan ito sa ulunan nya. "Hihintayin natin si daddy, okay baby?" Sambit ko dito kahit alam kong hindi naman nya ko maririnig.

Sumapit ang ala-una ngunit walang Vulc na dumating. Sinimulan ko ng ligpitin ang mga ulam sa lamesa habang walang humpay sa pag-agos ang mga luha sa mga mata ko.

Matapos ay binuhat ko na si Bell paakyat sa kwarto. Dumilat ang magaganda nitong mga mata at nagtatakang tumitig sakin. "Mommy? Why are you crying? May nakita ka po spider?" Kinusot nito ang mga mata bago dumampi ang maliliit nyang palad sa pisngi ko.

Umiling ako. "H-hindi baby. Nasugatan lang sa Mommy."

"Saan po?" She asked.

"Dito.." Sambit ko bago ko inilagay ang palad nya sa dibdib ko.

****

Napadaing ako ng makaramdam ako ng paghapdi sa may ulunan ko. Bahagya pa kong nahirapang idilat ang mga mata ko sa sobrang maga nito.

Pakiramdam ko'y mukha na kong zombie dahil sa pagpupuyat ko kagabi. Hinintay ko kasi sya.. Hinintay ko sya hanggang sa masilayan ko ang pagtaas ng araw. Ni hindi ko man lang naramdaman ang paglundo ng kabilang gilid ng kama para malaman ko kung andyan na ba sya.

Napatingin ako sa alarm clock at napagtantong alas-onse ng umaga na pala. Nakapasok naman ang apat, yun nga lang ay wala ako sa sarili ng ipaghanda ko sila ng makakain. Ramdam kong ramdam nila ako pero nanatili silang tahimik.

Wala na din si Bell sa tabi ko. Hiniram sya ng mama para ipasyal sa labas.

At ako? Nag-iisa sa kwartong 'to habang inaalala ang masasayang sandaling mayroon kami ni Vulc.

Pero asan na nga ba ang mga sandaling iyon? Pakiramdam ko ay unti-unti ng nawawala ang mga iyon simula ng piliin ni Vulc ang dumistansya at maging malamig sa akin.

Siguro ay panahon na din para sa akin ang magpahinga na muna. Baka pagbalik ko ay may pag-asa pa. Sana..

Baka nga tama ang kutob ko. Baka nga hindi na ako.

End of Part II

NaughtyParaiso

Smitten With A Beast (R-18) √Where stories live. Discover now