Chapter 11

35K 626 4
                                    

Chapter 11

"One more tequila, please!" Sigaw ng dalaga mula sa counter ng bar. Nakaupo sya sa stool doon at pilit na nilalasing ang sarili.

Bahagya syang sinipat ng bartender doon. Hindi malaman kung bibigyan nya pa ng alak ang dalaga gayong nakakailang bote na ito.

Nang mapansin ni Maia na hindi ito kumikilos ay dinuro nya ito. "Hoy! Ikaw! Hindi mo ba ko narinig?! Shabi ko tequila pa! Bwishet! Kapag di ka sumunod, irereklamo kita!" Binagsak nya ang basong hawak kaya naagaw nya ang atensyon ng ibang tao doon.

Tila tinakasan ng kulay ang mukha ng bartender kaya agad nitong sinunod ang dalaga.

Muling bumalik sa isip ni Maia ang tagpo sa restaurant kanina. Napaiyak na lamang sya dahil doon.

"Putragis na Vulc yan! Akala mo naman gwapo! Yummy ka lang pero di ka gwapo, ok?" Aniya sa lasing na boses. Pumupungay na din ang mga mata nya at wala syang pakialam kung naagaw nya ang atensyon ng iba.

"Isha pa yang shi Sholen! Di hamak namang mash maganda ako sha kanya!" Anya which is totoo naman.

Galing sya sa condo ni Lance kanina para sana maglabas ng sama ng loob. Ang kaso ay may katalik pala ito at ang walanghiya ay nginisian lamang sya at walang balak itigil ang ginagawa kaya umalis na lamang sya doon.

Bago sya pumunta sa bar na iyon sa Taguig ay napag-desisyunan nyang magbago ng looks.

From her natural straight black hair to wavy blonde hair. Nagpa-make up din sya sa salon kanina at nag-shopping.

She's now wearing a red halter dress and pair of black stilletto. Bahagya pa nga syang pinagtinginan ng mga kalalakihan kanina dahil sa itsura nya. Yung iba ay mukhang humahanga at ang iba ay binabato sya ng malalagkit na tingin.

Ano man ang mangyari sa kanya ngayon ay wala na syang pakialam. Kung sakaling mang may maka-one night stand sya edi go! Baka dun nya na mahanap ang love story nya gaya ng mga nababasa nya sa mga pocket books at Wattpad.

Mukha namang gwapo at angat sa buhay ang mga taong nandoon kaya keri na.

Limang minuto ang tinagal bago bumalik ang bartender sa harap nya. Bahagya pang kumunot ang noo ni Maia dahil dun.

Inabot sa kanya ang isang baso at agad naman nyang nilagok yun.

Muntik nya ng maibuga yun ng mapagtantong hindi alak yun kundi tubig.

"What the hell?" Sumama ang tingin nya sa bartender ngunit agad ding nabura iyon ng mahagip ng mga mata nya ang lalaking katabi nito.

"V-vulc.." Nagtatagis ang panga at madilim ang mukha ng binata. Wari nya'y galit ito sa kanya.

Hindi sya nagpatalo at sinamaan din ito ng tingin. Aba't sya pa ang may ganang magalit matapos ng makita nya sa restau at sa ginawa nitong pag-iwan sa kanya?

Kinuha nya ang bag at agad na tumayo. Wala syang pakialam kung hilong-hilo na sya, ang importante ay makalayo sya sa demonyitong iyon.

Nasa entrada na sya ng bar ng maramdaman nya ang mariing paghawak nito sa braso nya. Nasaktan sya ngunit tinapangan nya ang loob nya.

"Where the hell are you going?" Mariing sambit nito kasabay ng lalong pagdiin ng hawak nito sa braso nya. Nagpumiglas sya.

"And who are you to asked me? Boyfriend ba kita?" Kusang lumabas sa bibig nya.

"Wag mo kong sagutin ng patanong, Maia. I'm fucking dead serious here. Isa pa, anong ginagawa mo dito? Look at you, you look like a whor-" Hindi nya na hinayaang matapos ito ng sampalin nya ang binata. Mukhang nagulat ito pero sandali lang at bumalik ang dilim sa ekspresyon nito.

Smitten With A Beast (R-18) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon