Chapter 17

33.3K 574 11
                                    

Chapter 17

"Look Mom! Caca is so dirty! Gross." Sambit ng tatlong-taong gulang na batang lalake sa harap ko at itinuro ang isang batang babaeng ka-edad nya lang. Puro putik ang damit nito.

"Grr! You're really getting on my nerves, Cacus! My name is Cali and not Caca! Hmp." The little girl said. Napangiti ako. They were arguing again but still they look so adorable.

Hinubad ko ang suot na t-shirt ng nakasimangot na si Cali at saka pinalitan iyon. "Even if your brother was calling you Caca, you're still the prettiest princess in the whole wide world. Got it, princess?" Nangningning ang mga mata nito. "Really, mom?" She asked. I nodded at saka binalingan si Cacus na kasalukuyang nilalaro ang laruan nyang espada.

"And you, little guy.." I paused nang sumimangot ito. Napahagikgik ako.

"I'm a big guy, Mom!" He said.

"How can I call you a big guy if you're always annoying your little sister, huh? Diba ang big guys, they were protecting girls? Dapat ganun ka din kay Cali." Lumikot ang mga mata nito na tila nag-iisip.

"Should I protect you and Cali so that I will become a big guy now? Should I stop calling her Caca so I can be a big guy na?" I nodded at tumalon ito sa tuwa. He wants to be a big guy daw kasi gusto nyang magka-girlfriend. I already told him na bawal pa since he is only 3 pero he keeps on insisting.

I smiled at my twins at pinanood silang maglaro.

We're here at the playground. Kakadating lang namin kahapon galing Paris. Doon ko pinagbuntis at pinalaki ang kambal.

I sighed nang bumalik sa isipan ko ang lahat ng nangyare.

Right after I left at that mansion ay napag-isipan kong ayusin ang buhay ko at magsimulang muli.

Ang unang taong pumasok sa isip ko noon ay ang kapatid ko, si Davri. I called her para makipag-ayos.

Nalaman kong wala na sila ni Pres nun, isang buwan bago kami magkita. Nahuli nya daw itong may katalik sa mismong condo nila kaya nakipaghiwalay sya. That jerk really deserves to die.

Ikwinento ko din sa kanyang matagal ko ng alam ang tungkol sa kanila, pati yung araw na nakita ko sila sa beach. Bahagya pa syang nagulat sa parteng iyon. I also told her na napatawad ko na sya dahil wala na din namang sense kung magagalit pa ko. I moved on at alam ko sa sarili ko kung sino na ang laman ng puso ko.

Noong araw na iyon ay nagkaayos kami and I asked her for one thing. Sinabi ko sa kanya na sya na ang mag-managed ng Milliscents. Ayaw pa sana nyang tanggapin kung hindi ko lang ipinaliwanag sa kanya ang lahat.

Alam kong walang saysay ang pagtakas ko kay Vulc kung patuloy akong mamamahala sa Milliscents.

Ginamit ko ang mga savings ko para lumipad patungong Paris at doon, sinimulan ko ang buhay ko na wala sya.

I also changed my identity. I changed my name from Maia to Amara Castellano. Alam kong mapapadali sa kanyang hanapin ako gayung isa syang Lothario.

Nung una ay nahirapan ako sa pag-adjust sa lugar na iyon. I feel so alone at sa tuwing umiiyak ay wala akong ibang mapuntahan o mayakap man lang.

Isang buwan pa lamang ako sa Paris nang makaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko. Sa tuwing sasapit ang umaga ay nagsusuka ako. Minsan ay nahihilo at kung anu-anong pagkain na lang ang nagugustuhan ko na hindi ko naman kinakain noon.

Kumunsulta ako sa doktor at doon ko napagtantong dalawang buwan na akong buntis. Unang pumasok sa isip ko nun si Vulc, sya lang ang nag-iisang lalake sa buhay ko kaya sigurado akong sa kanya ang dinadala ko.

Kinailangan kong maghanap ng trabaho dahil nauubos na ang savings sa bank account ko. Ang kita kasi sa Milliscents ay idineposito ko sa account ni Davri. Isa pa, dalawa na kaming kailangan mabuhay sa mundong 'to.

Madali para sa akin ang makahanap ng trabaho doon dahil sa nakuha kong kurso. Accountant sa bangko ang maging tabaho ko roon.

Sa ika-anim na buwan ng pagbubuntis ko lamang nalaman na kambal pala ang dinadala ko.

Oo at nahirapan ako ng mga panahong iyon lalo na kapag nagugutom ako pero wala naman akong mautusan. Iniisip ko din kung pano ay manganak na ko at nagkataong nasa bahay ako, walang ibang tutulong sakin kundi sarili ko lamang.

Until he came, tinulungan nya kong mag-adjust sa mga bagay na nahihirapan ako. He took care of me hanggang sa manganak ako.

Nagulat pa nga ako ng ipaalam nya sakin ang lahat ng nalalaman nya. Maging ang nangyayari sa Pilipinas na hindi ko na gustong marinig pero nag-insist sya dahil alam nyang umaasa pa din ako.

He told me na kabi-kabila ang babae ni Vulc. He also said that Vulc and Solenn were dating. Ipinakita pa nya sakin ang newspaper kung saan magka-date ang dalawa sa isang event doon.

Pakiramdam ko ay masaya na sya na pabor naman sakin dahil hindi nya na muli ako hahanapin. Dahil kung sakaling mahanap nya ko ay paniguradong babawiin nya sakin ang mga anak ko.

Hindi naman sya tanga para di maisip na posibleng may mabuo sa pagitan namin ng gabing iyon and I'm afraid na pati ang mga anak ko ay madamay pa. Pero sa kabilang banda ay hindi ko maiwasang masaktan. Hindi ko inakalang naniwala ako sa mga matatamis na salitang lumalabas sa bibig nya.

Right until now I'm still hoping kahit alam kong masyado na kong tanga. But no, kahit ganito ay hindi pa din ako magpapakita sa kanya.

Nabalik ako sa ulirat ng tumunog ang phone ko. Agad ko iyong sinagot.

"Hey, kanina pa ko tumatawag pero di mo sinasagot. How's my kids?" It was him.

"They're playing. I'm sorry, nasa restroom kasi ako kanina, e." Pagsisinungaling ko. Lumapit si Cali sa akin na para bang nagtatanong kung kausap ko ang dad nya then I mouthed "yes".

"Cali wants to talk to you. Wait." I gave my phone to Cali. "Daddy! Where are you na ba? Miss na miss na kita." Then she pouted. I smiled as I pinched her pinkish cheek.

I heard him chuckled. "I will be there soon, princess. Right now, I need you to keep an eye to mommy. Baka may umaaligid ng boys sa kanya dyan, e." I heard him said. I laughed. Napaka-seloso talaga.

"Okay, dad! Don't worry, I will make sabunot to the guy who will flirt to mommy." She said at ibinigay na sakin ang phone.

I heard him laughed for the second time. "I have to go now, Amara. May meeting pa kasi ako, e. Just take care, okay? I love you." He said. Nakagat ko ang labi ko bago magsalita.

"I-I love you too, Lance.."

To be continued.

NaughtyParaiso

EDITED.

Smitten With A Beast (R-18) √Where stories live. Discover now