Chapter 36

33.6K 554 2
                                    

Chapter 36

WARNING: SPG

Labis ang pag-aalala ni Maia nang hindi pa dumadating si Vulc. Pasado alas-sais na ng hapon ngunit wala pa din ito mula sa pangangahoy.

Nag-aalala sya lalo pa't malakas ang ulan ngayong araw hanggang bukas. Napanood nya sa balita na may dumating na bagyo at signal number 2 sa kanila.

Nagpapasalamat sya't mabuti nalang ay naayos na ni Vulc noon ang mga butas sa bubong nya. Higit isang buwan na silang nagsasama ni Vulc at wala pa ding nangyayari sa relasyon nila.

Simula ng tagpuan nilang iyon ng binata ay naging tahimik na ito. Kinikibo lamang sya kung magtatanong sya o sya ang may itatanong.

Madalas ay subsob ito sa pagtatrabaho sa laptop nya at kung wala namang ginagawa ay iginugugol nito ang sarili sa mga gawaing bahay gaya ng pagsisibak ng kahoy at pag-iigib ng tubig.

She admit that what Vulc's do always flattered her heart, hindi nya na itatanggi iyon sa sarili dahil iyon naman talaga ang nararamdaman nya. Ayaw nyang mag-isip ng masama kung nasaan si Vulc pero nangako sya sa sarili na umuwi lamang ito ay papatawarin nya na.

At parang sign nga yun sa kanya dahil wala pang ilang segundo ay nakarinig sya ng katok mula sa pintuan. Agad nyang binuksan yun at agad bumungad sa kanya ang binata. Basang-basa ito at nanginginig sa lamig.

"Bakit ka naman sumugod sa ulan?" Sambit ni Maia ng makapasok si Vulc sa loob ng bahay. Agad syang pumasok sa kwarto at kumuha ng tuwalya at pamalit ni Vulc.

"S-salamat.." Anya at kinuha sa kanya ang pamalit. Pinanood lang ni Maia si Vulc habang nagpapalit at tinutuyo ang buhok.

"Kumain ka na ba? Nagluto ako." Sambit ng dalaga ng matapos. Hindi sumagot si Vulc bagkus ay nanghihinang humiga sa sofa.

Nag-aalalang hinipo ni Maia ang noo ng binata at halos mapaso sya sa tindi ng init niyon. "Vulc nilalagnat ka ah!?" Sambit nya at agad na dinaluhan ang binata. Nanginginig ito na tila ba lamig na lamig. Bigla ay hinaplos ang puso ni Maia sa nakita, kung hindi sana nya ito inutusan kumuha ng kahoy sa kagubatan ay hindi sana ito inabot ng ulan.

Inalalayan nya ito papuntang kwarto. Mabuti na lamang at studio type ang bahay nya kaya hindi sya mahihirapang ilipat ang lalake sa higaan.

Nang maihiga nya si Vulc ay agad syang kumuha ng bimpo at inilagay sa noo nito. Alam nyang hindi pa kumakain ito dahil naiwan nito ang wallet kanina kaya ininit nya ang nilutong sabaw.

"Kumain ka muna. Hindi ka pwedeng uminom ng gamot kung walang laman ang tyan mo." Tumango ito sa hinang-hinang sumandal sa headboard ng kama. Nakakailang subo pa lamang sya ng umiling na ito. She sighed at pinainom na ng gamot ang binata.

Pagtapos nyang niligpit ang lahat ay tumabi sya kay Vulc. Nanginginig pa din ito kaya nakaisip sya ng paraan para kahit kaunti ay uminit ang pakiramdam nito.

Hinubad nya ang suot na bestida pati ang bra nya at tanging underwear nalang ngayon ang suot ni Maia. Nanlalaki ang mga matang tinignan sya ni Vulc. "W-what are you doing?"

"Body heat. Nabasa ko sa internet, baka kasi sakaling makatulong." Sambit nya at agad na niyakap si Vulc. Hindi na nagprotesta ang binata at lihim na ngumisi. Oo nga't may sakit sya pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na sya apektado sa dalaga lalo pa't ramdam nya ang dungot ng dibdib nito sa katawan nya.

Kung hindi lamang sya nanghihina, malamang ay nasa ibabaw na sya ng dalaga at umuulos sa pagkababae nito. But no, he missed this. Nanamnamin nya muna ang mga oras na iyon sa tabi ng minamahal nya.

He smiled dahil nakatulog na pala ito. Isinubsob nya ang mukha ng dalaga sa leeg niya at doon ay mahimbing silang natulog.

****

Smitten With A Beast (R-18) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon