Chapter 34

33.4K 516 12
                                    

Chapter 34

"Uy, Maia! Sama ka sa plaza mamaya? Piesta kasi ngayon sa bayan at balita ko may contest daw dun." Napalingon ako sa nagsalitang si Kane. Sya yung kasama ko sa information desk dito sa loob ng hotel.

Ngumiti muna ako at bumati sa dumaang babae bago magsalita. "Hindi na siguro. Baka kasi siksikan at maipit pa kami ng mga anak ko." Sambit nya. Ngumuso ang mapupulang labi nito. Kung hindi lamang nya ikwinento ang buhay nya sa akin ay aakalain kong anak-mayaman sya.

Maganda kasi ang kutis at pangangatawan nito. Idagdag pa ang mala-sopistikadang dating ng babae.

Pero di ko inaasahang probinsyana pala ito at lumaki sa bukiran. "Ano ka ba? For sure naman may mauupuan tayo dun kung aagahan natin. Isa pa lagi ka nalang nakakulong sa inuupuhan mo. Mas maganda na magliwaliw ka din minsan para naman mabawasan yung problema mo." Sambit nito at saka inasikaso ang lalakeng nagtanong sa information desk.

****

Napaisip si Maia sa sinabing iyong ni Kane, tama naman ito at dapat din syang magliwaliw paminsan-minsan para naman mabawasan ang stress nya sa buhay. Nang sa gayun ay tuluyan na syang maka-move on kay Vulc.

Speaking of Vulc, tatlong araw na matapos ang engkwentro nila at hindi na ito muling nagparamdam sa kanya. Pabor naman sa kanya iyon ngunit may parte pa din sa puso nya na nadismaya sa isiping sinukuan na sya nito sa unang attempt palang na bawiin sya.

'Ah. Baka naisip na nitong sino ba naman sya para habulin?' Sambit ng isip nya. Huminga sya ng malalim at umiling. "Tama na, Maia. Tama na." Bulong nya sa sarili.

Pasado alas-sais na ng hapon ng makauwi sya sa bahay. Kumain muna sya saglit at nagpahinga.

Kane told her na magkita nalang sila sa tapat ng plaza at 7:30 pm.

Naka-idlip sya at saktong ala-syete na ng gabi nang magising. Naligo sya at nagsuot lamang ng simpleng blue mint dress at fringe sandals. Hinayaan nya lang na nakalugay ang mga buhok at saka kinuha ang suede bag nya incase na may matipuhan syang bilhin sa bayan. Payday nila ngayon kaya may cash naman sya kahit papaano.

Wala pang ilang minuto ay nakarating na sya sa bayan sakay ng tricycle. Litaw ang kagandahan nya kaya naman hindi maiwasan ng mga kalalakihan doon ang mapatingin sa kanya lalo pa't hindi halata ang umbok ng tyan nya sa suot nyang mint dress.

Ngumingiti lamang sya ng pilit sa tuwing babatiin sya ng mga ito. Nilingap nya ang paligid para hanapin si Kane pero hindi naman sya nabigo dahil nagtama agad ang mga mata nila.

"Bat ba ang ganda mo? Ikaw na ata ang pinakamagandang buntis na kilala ko?" Bungad na tanong nito at ngumuso sa kanya. Napahagikgik sya kahit pa sanay na sya sa pagpupuri nito sa kanya. Dalawang buwan pa lamang silang magkakilala ni Kane ngunit magaan na agad ang loob nya dito. Pareho lang kasi sila ng pananaw sa buhay, ang pinagkaiba lang ay mas madaldal ito sa kanya.

"Bolera ka talaga! Tara na nga!" Sambit nya at hinila na si Kane papasok ng plaza. Agad silang nakahanap ng upuan sa harap ng stage dahil wala pa namang gaanong tao doon. Pinili nilang umupo sa harap para mas maintindihan nila ang mga sasabihin sa palabas.

Trenta minuto na ang nakalipas ng magsimula ang patimpalak. Battle of the bands pala ang tema ng patimpalak.

Nagsimula na ang mga kantahan and she must admit na napapahanga sya ng kasali doon.

Isang oras na ang tinagal ng patimpalak ng dapuan sya ng antok. Lately ay nagiging antukin sya, hormones maybe.

"Kane, una na ko pwede? Antok na kasi ako e." Anya at humikab. Napansin nya ang paglikot ng mga mata ng kaibigan. "A-ah.. ano teka.. hintayin na natin matapos. Sayang naman, Maia. First time mong makapanuod ng ganito sa Vigan diba?" Sambit nito at luminga sa paligid na ipinagtaka nya.

Smitten With A Beast (R-18) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon