Chapter 10

38.2K 584 10
                                    

Chapter 10

Napa-buntong hininga si Maia at ibinagsak ang sarili sa kama.

It's been 3 days. Tatlong araw nang hindi nagpaparamdam sa kanya si Vulc matapos ng mangyari sa kanila. Halatang iniiwasan sya nito.

Nung isang araw ay naglakas-loob syang dumaan sa mismong kompanya ng lalake ngunit hindi sya hinayaan ng security na makapasok. Ang walanghiyang iyon! Ipina-banned pa talaga sya sa kompanyang iyon.

Hindi nya maiwasang mapaluha habang inaalala nya ang huli nilang tagpo. Ibinigay nya ng walang pag-alinlangan ang sarili sa lalake tapos iiwan na lamang sya nito ng ganun nalang? Naisip nyang mabuti pala't hindi sila umabot sa third base at baka napatay nya na si Vulc.

Nasasaktan sya sa trinato ng binata lalo na't inamin nya na mismo sa sariling mahal nya na ito, yung pagmamahal na kahit kailan ay hindi nya naranasan kay Pres o kahit sa kanino mang ex nya.

Kakaibang damdamin ang pinaparamdam sa kanya ng binata at para sa kanya, si Vulc lang ang may kaya nito.

Pero anong nangyare? Para syang ipinatikim ng isang masarap na putahe pero hindi pinaubos sa kanya.

Bahagyang humapdi ang sugat nya sa balikat. Maliit lamang yun ngunit para itong sugat ng napaso. Hindi nya malaman kung saan nanggaling yun, ang alam nya lang ay meron na sya nun nang umalis si Vulc.

Nakatitig lamang sya sa kisame habang lumuluha, ilang segundo lamang ay mabigat na ang paghinga nya.

Lingid sa kaalaman ni Maia ay may isang pares ng asul na mga mata ang kanina pang sumusubaybay sa kanya, gustuhin man ng binatang lapitan ang kawawang dalaga ay hindi nya nagawa.

Kapagkuwa'y nilisan nya ng tahimik ang silid na yun at agad na nagtungo sa kanyang kotse.

"Damn it!" Inis na hinampas ni Vulc ang manibela. Naiinis sya sa sarili dahil hindi nya magawang lapitan ang dalaga. Nahihiya kasi sya sa ginawa nya and he is also guilty for what he did on Maia.

He let out a deep sighed bago ipinaharurot ang sasakyan. If the girl only knew kung bakit sya nagkaganun ay baka iwasan na sya nito.

Muli ay bumalik sa isip ni Vulc ang nangyare tatlong araw na ang nakaraan.

He forgot that he's a Lothario and being a Lothario is a cursed.

Oo, sumpa iyon para sa kanya. Sa tuwing sasapit ang ikalabing-tatlong araw sa isang buwan tumitindi ang kakayahang meron ang isang
Lothario gaya ng nangyare kay Vulc.

He was a god of fire of ancient Rome at hindi lingid sa kaalaman nya ang sumpang ipinagkaloob sa lolo nyang si Saturn at kapatid nitong sina Janus at Volt na nagpapatuloy habang nabubuhay pa ang angkan nila at kasama na sya doon. May iba't ibang kakayahan ang bawat isa sa kanila na tumitindi sa tuwing ikalabing-tatlong araw ng buwan.

Nakakakilabot ngunit yun ang totoo. His younger brother Hercules Lothario was a god of strength. Sa tuwing sasapit ang araw ng trese ay labis ang nagiging lakas nito. Hindi nito kayang kontrolin ang sarili at nakakapanakit ito ng iba kaya naman dinadala ito sa kanilang pribadong isla at ikinukulong sa lihim na pasilyo roon bago sumapit ang araw na iyon.

Sya naman ay naiiba. Sa tuwing sasapit ang araw na iyon ay labis na pag-iinit ang nararanasan nya. Ang mga bagay na hahawakan nya ay masusunog at kung hindi nya tinigilan si Maia noong araw na iyon ay baka kalunos-lunos na ang sinapit ng dalaga at iyon ang ayaw nyang mangyare.

He doesnt want to take Maia that day dahil bukod sa kakayahan nya ay may iba pang sumpa ang mga Lothario.

"Once you took a woman's virginity, she will became like us. Whether you like it or not. Magiging maputla ang balat nya. Her eyes will become as dark as black. Her lips will turn into red. Her appearance and everything about her will change and like us? She's going to be an immortal."

He then remembered what his father said. Isa yun sa dahilan kung bakit hindi nya itinuloy ang naudlot sa kanila ni Maia. Nirerespeto nya pa rin ito kahit papaano.

Hindi nya gagawing immortal ang dalaga hangga't wala itong nararamdaman sa kanya. Hindi nya gagawin hangga't hindi sya mahal ni Maia.

And for Christ's sake! He is madly deeply inlove with that woman.

****

It's already 1 in the afternoon nang mapagpasyahan ni Maia na mag-lunch. She grabbed her bag at saka lumabas sa opisinang iyon.

Bago lumabas ay nadaanan nya ang mga saleslady ng shop nyang sina Mincetti, Oree at Elys. Bahagyang tumaas ang kilay nya ng mapansing nakadungaw ang mga ito sa glass door ng shop at tila may pinag-uusapan.

Tumikhim sya. Okay lang namang mag-chismisan ang mga ito, tutal lunch time naman.

Lumingon ang mga ito sa kanya at bahagya pang nanlaki ang mga mata.

"Nag-lunch na ba kayo, girls?" She asked.

Bahagyang lumikot ang mga mata ni Mincetti. "A-ah.. o-opo, Ma'am. Kayo po?"

"I was about to. Kaya maiwan ko muna kayo ha? I wanna try this Korean cuisine infront of our shop. Sige, girls." Anya at nilagpasan na ang mga ito.

Hindi na sya nag-abalang mag-kotse dahil katapat lang naman ng shop nila ang Korean restaurant na iyon.

She wants to try it kasi nakita nyang kumakain ang mga staff nya dito at mukhang masasarap ito.

Pumasok na sya sa entrada ng restaurant na iyon at agad na naghanap ng mauupuan.

Okay naman ang ambiance ng lugar. Tahimik at konti lang ang tao.

Lumapit sa kanya ang waiter at agad naman syang umorder.

Napalinga sya sa paligid at agad na nahagilap ng mga mata nya ang isang couple di kalayuan sa kinauupuan nya.

Hindi nya maiwasang ma-conscious sa itsura nya just by looking at the girl. Maganda ito at mukhang sopistikada. Matangkad at mukhang modelo. Actually, hawig ito sa kaibigan nyang si Solenn.

Natutop nya ang bibig nang mapagtantong kaibigan nya nga ito. Pero sino ang lalakeng kasama nito?

Bahagya itong nakatalikod kaya hindi nya maaninag iyon.

Umusbong ang kaba sa dibdib nya nang nasilayan nya ang mukha ng binata.

His dark blue eyes and his looks, hindi sya maaring magkamali.

Hindi sya naaninag ng mga ito dahil abala ang mga ito sa paghaharutan. Hindi nya alam kung tama ba ang word nya pero yun ang nakikita nya ngayon lalo pa't lumapat ang labi ng kaibigan sa labi ng lalakeng kinababaliwan nya ngayon.

With that ay mabilis syang lumayo sa mga ito.

Nawalan na sya ng ganang kumain parang mas bet nyang pumatay ngayon.

Umalpas ang isang butil ng luha mula sa mga mata nya.

Hindi nya naisip na mauulit pa ang eksenang iyon sa paningin nya and worst is, bakit si Vulc at Solenn pa?

To be continued.

NaughtyParaiso

Smitten With A Beast (R-18) √Where stories live. Discover now