Special Chapter (Part 4)

26K 437 44
                                    

Special Chapter Part IV

Ilang beses na siyang pabalik-balik sa loob ng barko ngunit ni isang anino ng lalakeng nakaniig niya kagabi ay wala.

Para sa kanya ay napaka-misteryoso nito. Oo, hindi nya alam ang itsura nito dahil malabo amg imahe nito sa alaala niya pero kabisado niya ang tindig at ang amoy nito.

Wala pang lalake sa loob ng barko ang masasabi niyang yun ang estrangherong iyon.

Napaisip siya. Marahil ay mamaya pa nga ito magpapakita sa kanya. Bumuntong-hininga siya.

Hindi pa nga siya nakakabawi sa problema nila ni Vulc pero may panibago na naman. Paano na lamang kung malaman ng mga Lothario ang kataksilang ginawa niya? Pihadong magagalit sa kanya ang mga ito lalo na ang mga magulang ni Vulc. Ayaw niyang masira ang tiwala nito sa kanya kaya iisip siya ng paraan upang di malaman ng lahat ang aksidenteng iyon.

Napahilamos siya nang mapagpasyahang bumalik muna sa room niya para maligo. Alas-sais na at ilang oras nalang ay makikita niya na ang estrangherong iyon.

Kung pera lang ang kailangan nito, walang pasubaling ibibigay niya ang lahat ng savings niya sa lalake. Pero wala naman sa itsura nito ang pagiging mukhang pera?

Sambit ng isip niya. Tama naman, sa pabango pa lamang na gamit ng lalake ay alam niyang mamahalin na ito. Pati ang pamamaraan ng pag-ungol nito ay hindi mo masasabing laki sa hirap ang lalake.

Namula siya ng maalala ang nangyari kagabi. Ipinilig niya ang ulo at dali-daling pumasok sa banyo.

"No, it can't be. That would be the last."

****

Kanina nya pa naayos ang sarili ngunit di nya alam kung lalabas ba sya ng kwartong iyon at pupuntahan ang lalakeng yun sa sinabi nitong meeting place nila o tatakas na lamang sya?

Napasimangot sya. Kanina lang ay ang lakas ng loob nyang harapin ito samantalang ngayon ay nanlalambot na sya.

Tumingin sya sa salamin bago bumuntong hininga. Bahala na siguro ang tadhana kung anong mangyayari, sambit ng isip nya.

****

Nakakailang inom na ko ng tubig pero wala pa din ang estrangherong yun. Bakit ba kasi di ko matandaan ang mukha nya?!

Kanina pa ko nakakakita ng mga lalakeng kasing tindig nya pero di ko masabing sya yun, halos amuyin ko na nga ang mga ito pero ni isa ay wala syang kaamoy.

Bakit nga ba sa amoy ako tumitingin? Yun lang kasi ang natatandaan ko. Ewan ko ba, gifted siguro ako pagdating sa pang-amoy kaya nakakagawa ako ng mga pabango, kahit ata utot ng langgam naaamoy ko.

I sighed. Mukha namang in-Indian ako ng lalakeng iyon.

I was about to stand up ng may magsalita sa likod ko.

"Am I late?" A cold and baritone voice stopped me. Napalingon ako and there he is.

A guy with a perfect hair cut, naka-tuxedo ito at animo'y walang kahit isang dumi sa puting suit nito.

His look met my expectations and his smell.. Hindi ako pwedeng magkamali, siya nga ang lalakeng iyon.

There is a part of me na biglang naghina, I don't know but I expected someone kahit na di ko maamin sa sarili ko kung sino sya, kahit na alam kong imposible, umasa pa din ako.

Umasa ako that he's still there, that he can save me but he didn't.

Tumikhim ang lalake sanhi para mabalik ako sa ulirat. "Do you still want to talk?" He said.

Tumango ako. Umupo sya sa kabilang dulo ng lamesa at umorder ng wine sa waitress, pagtapos niyon ay mataman nya kong tinitigan.

"Hmm. So you're the the girl." He then smirked sanhi para gumwapo ito sa paningin ko though gwapo naman talaga sya. Hindi ko alam kung bakit biglang kumulo na naman ang dugo ko.

"Yeah. Alam mo bang pwede kitang idemanda sa ginawa mo ha?" Mahina ngunit mariin kong sambit. Ayoko namang marinig ng iba at baka pag-tsismisan pa ko.

Ngumisi lang muli ang binata. "You' going to sue me? Hindi ka ba natatakot na baka malaman ng mga Lothario ang ginawa mo? Is that how you'll treat me pagtapos kitang paligayahin kagabi?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. "A-anong sabi mo? Pano mo nalaman yan?"

"I had a background check on you. You're married, right? You married Vulc Lothario, isa pinakakilalang business tycoon sa buong mundo. May mga anak din kayo, am I right?"

This guy really getting on my nerves. Pumikit ako ng mariin bago magsalitang muli. "Seriously, ano bang gusto mong mangyari?"

Niluwagan nya ang pagkakatali ng tie nya bago ilapit ang mukha sakin. "Hiwalayan mo ang asawa mo and be my wife."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Sino ba sya sa inaakala nya at ano ba ang tingin nya sakin? Doon ko lang napansin na umiiyak na pala ko.

"I honestly don't know kung bakit mo nasasabi yan. What we did last night is a mistake, mister. You're a psycho for saying that but you know? Hindi ko naman na sya kailangan hiwalayan e, kasi sya na mismo ang humiwalay sakin." Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. Tahimik lang syang nakatingin sakin, hindi ko mabasa kung anong nasa isip nya pero kahit ngayong gabi lang, gusto kong ilabas 'to.

"Akala mo ba gusto ko yung nangyari kagabi? Akala mo ba ganun lang akong klaseng babae? Hindi! I did that kasi akala ko makakalimutan ko sya. Akala ko mahihigitan ko na yung sakit na binigay nya but sino bang niloloko ko? Ni ayaw ko ngang ipaalam sa kanya e. Pano ko sya masasaktan kung ayaw ko naman talaga syang saktan?" Umiwas sya ng tingin sakin.

"Ang gusto ko lang kalimutan na lahat. If I could just hit my head on a wall o kaya magpakasagasa para magka-amnesia gagawin ko pero alam kong sasaktan ko lang yung sarili lalo." Pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo na. "Now, if you'll excuse me, aalis na ko." And there I turned my back. Naglakad ako palayo sa parteng iyon ng barko.

What if tumalon nalang kaya ko dito para magpakain sa mga pating? Napasabunot ako sa sarili ko, hindi ko na talaga ang gagawin ko.

Bahala na kung malaman nila ang kagagahan ko, afterall feeling ko wala na kong kwentang tao.

Napaupo ako sa sahig, kung may dumadaan lang ngayon sa harap ko ay baka akalain nilang baliw ako at Sisa ang pangalan ko. Kalat ang maskara sa pisngi ko at puno ng tuyong luha ang mukha ko. Mukha kong tanga.

Nakaramdam ako ng lamig dahil bukod sa gabi na ay nasa gitna kami ng karagatan. Ngunit panandalian lamang yun ng may pumatong na coat sa mga balikat ko.

Napatingala ako para lang salubungin ang tingin ng lalakeng iyon.

"Anong ginagawa mo dito?" Sambit ko, nakapamulsa lamang ito at pumantay sa akin.

"Sorry for what happened, actually we never met. Ngayon lang." Napatanga lang ako sa sinabi nya.

"I'm not the guy last night, Maia."

Tbc.

Next: Special Chapter 5. Last na po yan, sorry for the long wait ulit since busy talaga ako this past few weeks.

Smitten With A Beast (R-18) √Where stories live. Discover now