Chapter 32

32.1K 613 19
                                    

Chapter 32

"Pasensya ka na ha? Ako na dapat ang nag-aasikaso sa Milliscents pero hindi ko man lang magawang makapunta dyan." Sambit ni Maia habang hinihimas ang dalawang buwan nyang tyan. Kausap nya sa telepono ang kapatid na si Davri. Heto sya at humihingi ng pasensya sa kapatid dahil hindi pa sya handang i-managed ang Milliscents ulit pero doon sya umaasa para sa gastos nya sa pang-araw-araw. Nahihiya na kasi sya dito.

"Ano ka ba ate? Sabi ko naman sayo okay lang. Isa pa, ito rin naman yung source of income namin ng asawa ko tyaka gusto ko din naman magtrabaho dito dahil nasayahan na ko. Wag mo ng intindihin ate. Ang intindihin mo ay ang sarili mo, gusto ko maging healthy ang pamangkin ko paglabas nyan okay?" Napangiti sya at kahit hindi nito nakikita ang ekspresyon nya ay tumango-tango sya.

Isang buwan na ng manganak si Davri. Nabisita naman nya ito sa ospital pero hindi sya nagtagal at bumalik sa Vigan.

Naghanap sya ng marerentahang bahay doon at hindi naman sya nabigo. Nakahanap sya ng maliit na bahay malapit sa resort na iyon at doon sya tumuloy.

Nag-apply sya sa isang hotel doon at na-assign sya sa information desk. Okay naman ang kinikita nya dito ngunit kadalasan ay kinakapos kaya kumukuha sya ng pera sa kita ng Milliscents. Nakadagdag pa sa mga gastusin nya ang check-up at bayad sa renta ng bahay.

Madami pa silang napag-kwentuhan ni Davri ngunit agad din syang nagpaalam nang akmang babanggitin nito ang pangalan ni Vulc. Nasasaktan pa din sya hanggang ngayon. It's like history repeats itself. Ang pinagkaiba nga lang ay pinaalis sya at hindi sya yung kusang umalis which is sa tingin nya'y mas masakit pala.

Ngayon ay pupunta sya sa ob gyne para sa monthly check up nya. She managed to wear a striped top and cranberry skirt. Nag-apply din sya ng pulbos sa mukha at kaunting lipstick. Kahit naman kasi wala syang make-up ay likas na ang kagandahan ni Maia. She has a pair of dark seductive eyes, her lips were red and she has those rosy cheeks.

She arranged her black hair into a messy bun. Kahit naman buntis sya ay hindi nya napapabayaan ang sarili. She's 27 but still looks young. Kung wala nga lang ang maliit na umbok sa tyan nya ay iisipin ng ibang teenager palang sya.

She wore a pair of woven wedges then she grabbed her Victorian Loli purse at saka umalis na. Nag-abang sya ng tricycle dahil sa bayan pa ang pinaka-malapit na clinic sa kinaroroonan nya.

Ilang minuto lang naman ang binyahe nya at hindi nagtagal ay nakarating na sya sa mismong clinic.

****

Binati sya ng doktora pagpasok.palang sa clinic. Isang buwan na ng malaman nyang buntis sya.

Nung una ay inakala nya lang na nagsuka sya dahil may masama syang nakain pero ng maramdaman nyang muli ang mga sintomas noong pinagbubuntis nya si Cali at Cacus ay agad-agad din syang bumili ng pregnancy kit sa pinakamalapit na pharmacy na makikita nya.

She's excited, of course kahit pa ipinagtabuyan na sya ng ama ng anak nya ay masaya pa din sya. Ngayon ay hindi na sya mag-iisa.

At yun nga, positive ang kinalabasan nito. Nang araw na iyon ay agad din syang nagpunta sa doctor para magpa-check up at doon nya lang nakumpirma ang lahat. She's 6 weeks pregnant.

Nangako sya sa sariling aalagaan nya ang batang nasa sinapupunan nya. Wala naman syang balak itago kay Vulc, hahayaan nya na lamang na ito mismo ang makatuklas.

Ang panget naman kasi kung makikipagkita sya dito at sasabihing buntis sya at si Vulc ang ama. Kilala nya si Vulc, baka isipin pa nitong desperada sya at si Lance ang ama ng dinadala nya. But no, God knows na si Vulc lang ang lalake sa buhay nya.

Smitten With A Beast (R-18) √Where stories live. Discover now