Chapter 1: First day, first case

83K 1.6K 863
                                    


-

“Good morning class! I would like you to meet your new classmate. Please kindly introduce yourself.” nakangiting sabi ni Sir... ano nga ba ang pangalan niya?

Ah, yeah, he's Sir Art Aquino.

Psh. I hate introductions. Why do I have to introduce myself? Hindi naman ako intersado sa kanila.

“Iannie Mayhem.” tamad na pakilala ko. Gusto ko sanang sabihin na ‘Hi, bitches! The queen bitch is here. Back off.’ kaso hindi puwede. Baka sumama ang reputation ko. Oh, masama na naman talaga, ayoko lang na sumama pang lalo. Isang kick-out nalang at baka ipadala na ako ng daddy ko sa Iraq o kung saan mang lugar na may gyera para lang magtino ako.

Ewan ko nga kung bakit dito ako in-enroll ni daddy sa Olympus High. Ano, greek mythology lang? Pero sabi niya naman ay magugustuhan ko raw rito.

Well, sana nga.

Lumingon ulit sa akin si Sir at tila ba naghihintay pa ng sasabihin ko. Napataas ang isang kilay ko sa kaniya. Ang sabi introduce yourself, I already introduced myself, right?

“Dagdagan mo pa, please.” si Sir puwede nang maging smile emoji, laging nakangiti. Kailan kaya mawawala ‘yon? “Don't worry, friendly ang mga magiging classmate mo. Tell us about your hobbies or interests para naman madali kang magkaroon ng new friends.”

New friends? Nah. I don't need one, I already have some. Hindi sa may trust issues ako, hindi lang talaga ako basta-basta nagtitiwala sa kung sino.

“I don't need a new friend, sir. Trust is hard to come by, that's why my circle is small and tight. You know, sir, maraming fake ngayon, hindi ko kailangan ng kaibigan na kaibigan kalang kapag kaharap ka, ang kailangang kong kaibigan ay iyong kahit nakatalikod ako, kahit malayo ako, kaibigan parin ako.” oh, record breaking ‘to. Ngayon lang uli ako nag salita ng ganito kahaba sa hindi ko kakilala.

“Oh, so anong hobbies and interests mo?” tanong niya ulit. Kapag kaya sinuntok ko 'tong si sir, mabubura na kaya ang ngiti sa labi niya? Nag-uumpisa na akong mairita sa ngiti niya. Hindi naman sa creepy siya tignan, sadyang naaasar lang ako sa ngiti niya kahit na normal na ngiti lang 'yon.

“Is sleeping a hobby? If yes, then sleeping is one of my hobbies. Can I sit now, sir? I hate telling facts about me.”

“Sure! You can sit beside Louis Taylor, that boy in the corner.” sabi niya at itinuro ‘yong lalaking natutulog sa last row.

Napansin kong masama ang pagkakatitig nung mga babae sa akin kaya naman napangisi ako. Oh, I think magugustuhan ko nga ang Olympus High.

“Do you know that, that death glares you’re giving to me can’t kill me? If you want to kill me, get some knife then stab me to death.” I said while smirking. Mukhang nagulat naman ‘yong mga classmate ko sa narinig nila sa akin. Oh my dear classmates, I want to punch your faces.

Gaya ng sinabi ni Sir Art, naupo ako sa tabi nitong lalaking natutulog. Kung ito na ang magiging upuan ko sa buong taon ay magpapasalamat talaga ako ng malaki kay sir Art. Ayoko kasi ng may maingay na katabi, e itong katabi ko ay mukhang makakasundo ko. I think, like me, sleeping is also one of his hobby. And based on my observations, ayaw niya rin ng maingay dahil may nakasalpak na headset sa tenga niya. Nasa hulihang row rin siya, may mangilan-ngilang vacant seats pa rito pero dito sa last row niya napiling maupo, so I think hindi rin siya mahilig makihalubilo sa iba.

At kung pagbabasihan ko naman ang tingin ng mga kaklase kong babae sa akin, gwapo ang lalaking katabi ko, o baka nga campus heartthrob pa. Hindi naman nila ako titignan ng ganoon kasama kung panget ‘tong katabi ko ‘di ba? Pero wala naman akong pake, hindi naman ako bumabase sa itsura. Just don't disturb me and we’re good.

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon