Chapter 56: Hell, not Heaven

11.6K 340 71
                                    

-

Iannie

Halos 24 hours akong bumyahe at nararamdaman ko na rin ang epekto non, pagod ang katawan ko pero hindi ko magawang matulog. Kanina pa ako nandito sa terrace ng kwarto ko, siguro mga 30 minutes na. Dito na ako dumiretso pagtapos bg meeting namin dahil gusto kong mag-isip.

Siguro nga iniisip ng mga yon na nagpapahinga na ako ngayon pero hindi eh, gusto ko na rin namang magpahinga at matulog pero binabagabag ako ng mga problema. Unang-una na si Bullet, paano kung alam pala ni Matteo na nagpapanggap lang sya? Kung ipagpapatuloy nya pa ang pagpapanggap ay baka mapahamak sya.

Gusto ko na rin nga silang patigilin sa pagpapanggap na ginagawa nila ni Pistol pero alam kong hindi naman sya papayag sa gusto ko. Sa kanya ko nga ata namana ang pagiging matigas ng ulo ko,kaya naman alam kong hindi sya papayag, kapag may naumpisahan na kasi syang bagay ay gusto nyang tinatapos ito.

Nakatanaw ako sa malawak na bakuran, napangiti ako ng makita kong unti-unting nagsisi-datingan ang mga reapers sa training field. Mag-a-alas kwatro palang ng madaling araw pero heto't magsisimula na silang mag-training.

Napadako ang tingin ko sa labas, napa-kunot ang noo ko ng may makita akong paparating na motor. Sino kaya ang driver ng motor? Bakit hindi nakasindi ang headlight?

Pumasok ako sa loob ng kwarto at kinuha ang teleskopyo pagkatapos ay muli akong bumalik sa terrace. Tinignan ko mula sa telescope ang paparating na motor, nakakapagtaka kasi na ang bagal ng andar nya at hindi pa naka-bukas ang headlight. Lalong napa-kunot ang noo ko ng makita kong ang motor ay hindi pamilyar sa akin pero pagkaraan ay napangisi ako.

Isa lang ang ibig sabihin nito, kung sino man ang driver ng motor na iyon ay inutusan upang mag matyag sa amin. Tss. Ang lakas naman ng loob nya na pumunta ng mag-isa dito,hindi nya ba alam na kayang-kaya naming syang patayin ng walang pagdadalawang isip?

"Iannie? I thought you're already sleeping?" napalingon ako sa bagong dating at agad na napasimangot ng makita kong pulang-pula ang mukha nya. Tsk. Nakipag-inuman na naman ang loko sa mga tomador kong pinsan.

"And I thought you're just hanging out with them. Louis, napapadalas na ang pag-iinom mo and that's bad, I know that you know that." panenermon ko sa kanya.

Ngumiti sya at mabilis na hinalikan ako sa labi. "I'm sorry, babe. I just want to sleep peacefully, you know how hard is that, right? Lalo na ngayon na alam kong buhay ang ama ko pero hindi ko alam ang dahilan kung bakit pinatay nya na ang sarili nya sa mata ng iba." malamlam ang matang sabi nya. Pinilipilit nyang gawing seryoso ang boses nya pero hindi nya kaya. And I know why. Kahit naman ilang tao na ang napatay ni Mr.Taylor ay ama nya pa rin ito.

Wala akong salitang mahanap para i-comfort sya kaya naman niyakap ko nalang sya.

Nang magkalas kami ng yakap ay lumakad sya patungo sa pwesto ko kanina doon sa terrace. "Ano nga pala ang tinatanaw mo dito kanina?" tanong nya.

"May nakita akong hindi pamilyar na motor na papunta sa direksyon ng masyon. Wala akong ideya kung kanino sya nagtatrabaho pero alam kong nandito sya para magmatyag, malas nya lang dahil hindi pa man nya nagagawa ang pakay nya ay nabulilyaso ko na sya." nakangising sagot ko sya kanya.

"Mag-isa lang sya? Ang lakas naman ng loob nya na mag espiya sa mansyon." naiiling na sabi nya. "Sa tingin mo, tauhan kaya sya ni Matteo?" tanong nya saka sumandal sa railing at sinenyasan ako na lumapit sa kanya.

Nang makalapit na ako sa kanya ay saka lang ako sumagot. "Malaki ang posibilidad. Si Bullet, tulog na ba?" tanong ko. Bigla kasing pumasok sa isip ko na baka makita ng kung sino man na nilalang na iyon na nasa labas si Bullet, masisira ang plano ng kapatid ko.

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon