Chapter 8: Confused

20.7K 592 87
                                    

-

Iannie


Almost one thousand eight hundred seconds na ang nakakalipas since matapos kaming kausapin ni Ms.President. Oh, hindi lang pala sya ang kumausap samin, pati si Sir Art at Ms. Ravena din. Hindi ko lubos maisip kung bakit kailangan pa non. Hindi naman sa ayaw ko, pabor nga sa amin yun eh.

Narinig ko ang pag buntong hininga ni Louis na nasa tabi ko lang. Actually katabi ko silang parehas, si Louis sa right side then si Bullet naman sa left side. Nasa isang convenient store kami ngayon, nag lalasing. Chos. Kung malalasing lang nga kami sa root beer eh.

Pare-parehas kaming nakatulala at nag-iisip. Oo kahit may sa-walangya at tarantado kaming tatlo ay natutulala din kami. Parang timang nga yung mga babaeng nandito. Panay ang pa-cute dun sa dalawang gwapo kong kasama tapos pag dating sakin ay iirapan akong bigla. Pasalamat sila at wala ako sa mood dahil kung hindi naitusok ko na sa mga mata nila tong stik-o na kanina pa namin nilalantakang tatlo.

"Will we accept it or not? Accept the offer? Or decline the offer? Argh!" buryong sabi ni Louis sabay lantak ng stik-o. Mahina lang ang pag kakasabi nya pero dinig naming dalawa ni Bullet.

"Betsung or boyaw? Deal or no deal? Step yes or step no?" dinig ko namang sabi ni Bullet habang ngumunguya ng pochi. Teka, kelan pa nag karoon ng pochi? Bumili ba sila?

"What now? What's your decision?" tanong ko sa kanila. Miski ako hindi ko rin alam kung tatanggapin ba namin or hindi.

"Parang gusto kong tanggapin." sagot ni Louis.

"Ako din. Ang ganda ng offer eh." segunda naman ni Bullet.

"How about you?" sabay nilang tanong. Kung humindi man ako, talo ako. Duh, two versus one? Pero parang gusto ko na din tanggapin eh.

"Alamin muna natin yung buong details." yun ang tangi kong naisagot. Hayuf. Ang layo ng sagot ko sa tanong nila.

"So balik na tayo sa Olympus?" lumabas lang naman kami para mag-isip. Para na rin bumili ng root beer dahil laging ubos to sa cafeteria ng Olympus at para narin bumili ng stik-o. Walang tindang ganito don.

Ang bangis naming tignan. Tag-iisa pa kaming kotse tapos may bitbit kaming tag iisang garapon ng stik-o. Lamang lang si Bullet dahil may bitbit din syang isang balot na pochi.

Dumiretso na kami sa office ni Ms.President para sabihin yung napag-isipan namin. Pinagtitinginan pa kami ng mga estudyante dahil habang nag lalakad kami ay kumakain kami ng stik-o. Pake ba nila? Sila nga jowa nila ang kinakain. Hampasin ko sila ng garapon eh. Tss.

"Yay! You're back!" masiglang bati sa amin ni Ms.President. "Akala namin hindi na kayo babalik. Almost thirty minutes na rin kasi eh." alinlangang sabi nya. Nandito parin pala si Sir Art at Ms.Ravena. Nice huh.

"So what's your decision?" nakangiting tanong ni Sir Art. Psh. Kelan ba sya sumimangot? Ay napasimangot ko na nga pala sya nung first day ko dito.

"Wala pa kaming final decision Sir Arthuro." ha? Arthuro? Sino naman si Arthuro?

"Art lang dude. Hindi Arthuro." singit ni Louis. Gagung to. Arthuro daw.

"Ay sorry hehe. So, yun nga Sir Artic, wala pa kaming final decision. Gusto muna naming alamin ang lahat ng detalye." seryosong sabi ni Bullet. Tsk. Tukmol talaga. Artic naman ngayon. Sinabing Art nga lang.

Napakamot nalang si Sir Art. "Art lang kasi Bullet. Hindi Arthuro o Artic." nakangiwing sabi ni Sir. "Siguradong pag nalaman nyo yung mga details mapapa-oo na kayo." nakangiting sabi nya.

May kinuhang folder si Gwen sa table nya at iniabot iyon kay Ms.Ravena. Binuklat ito ni Ms.Ravena at pinasadahan ng tingin. "Nandito ang lahat ng requirements sa pag bu-buo ng club pati na rin yung mga details na gusto nyong malaman, nandyan lahat." sabi nya sabay abot sa akin nung folder. Pero dahil tinatamad akong mag exert ng effort, si Louis nalang ang umabot.

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon