Chapter 36: Argument

13.2K 416 29
                                    

Iannie

Tss. Bakit ba nawala sa isip ko na itanong kay Bullet ang room number ni Jessa? Aish. Hahanapin ko pa tuloy sa log book. Kaasar naman oh.

"Room 179-A, 4th floor." halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may mag salita. Anong ginagawa nya dito? Bakit sya nandito? At isa pa, bakit alam nya kung anong hinahanap ko?

"What the hell are you doing here Lindsay?" halos bulong ko ng tanong. Madilim man ay nagawa kong aninagin sya, nakasandal sya sa sulok at magka-krus ang mga braso.

"To help you. Rhaiu told me that you're investigating a case and the primary suspect is a Amaluma named Jessa Brigham. Nasabi nya rin na estudyante sa Olympus ang babaeng yon, so I check her student record, ine-expect ko na na pupunta ka dito ka dito, and look, tama nga ako." mahabang sagot nya. Ang daldal talaga ni Rhaiu kahit kailan. Tsk.

"Leave this to me, kaya ko na to Lindsay." wika ko at naglakad na patungo sa hagdan. Naramdaman kong sumunod sya sa akin kaya naman kunot noong hinarap ko sya. "I said leave this to me. I can do this alone." may bahid na inis na wika ko.

"My job is to protect you from any harm. Specially to Amaluma, at ang pupuntahan mo ngayon ay isang Amaluma. They are dangerous Iannie." seryosong sagot nya sa akin.

"Thanks for your concern but I can protect myself Lindsay. I am a Mayhem like you. I am a well-trained fighter. I am a mafia. Maybe I can't kill but I can protect myself. This is an order Lindsay, leave this to me." napabuntong hininga sya at tinalikudan na ako. I'm sorry Lindsay.

Iba kasi ang kutob ko ngayon, feeling ko ay may malalaman akong mahalagang bagay o impormasyon na makakatulong sa kasong matagal ko ng gustong lutasin. At kung ano man ang bagay na yon, kailangang ako lang muna ang makaalam.

Nang sa wakas ay makarating na ako sa harapan ng kwarto ni Jessa ay dinukot ko ang paper clip na nasa bulsa ko. Isinuot ko ito sa keyhole at inikot-ikot. Hindi nag tagal ay narinig ko na ang pag click ng door knob, tanda na nabuksan ko na ito.

Tahimik na pumasok ako sa loob ng kwarto at pilit na inaaninag ang mukha ng tatlong babae na nakahiga sa kani-kanilang kama. Nang mamukhaan ko si Jessa ay tahimik na lumakad ako palapit sa kama nya. Buti ka pa nakakatulog ng mahimbing, samantalang kami nila Louis ay gising pa rin hanggang ngayon at sumasakit na ang ulo kakahanap ng ebidensyang mag didiin sa kalokohang ginawa mo.

Dinukot ko ang dalawang syringe na may lamang pampatulog at itinurok ang isa sa babaeng mas malapit sa pwesto ni Jessa, sinunod ko namang turukan yung isa na nasa bandang sulok. Alam kong tulog na ang mga babaeng to na room mate ni Jessa pero mas maganda na rin yung sigurado. Baka magising pa sila habang nasa kalagitnaan ako ng pangongompronta kay Jessa, at kapag nangyari yon, sasabit ako.

Tinapik-tapik ko muna yung dalawa, nang makasigurado akong hindi sila nagigising ay bumalik na ako sa pwesto ni Jessa. Bago ko sya gisingin ay isinuot ko muna ang face mask ko at ni-on ang recorder sa phone ko.

Hindi ko pa man sya ginigising ay kusa na syang nag mulat. Mabuti naman at hindi ko na sya kailangang gisingin. Nanlaki ang mata nya ng maaninag nya ako.

"Sino ka!?"

"Hinaan mo ang boses mo, kapag nagising ang katabing room mo, yayariin kita." banta ko. Sigurado akong hindi nya ako mabobosesan dahil binago ko ang boses ko.

"Anong kailangan mo sa akin!?"

"Nandito ako para sagutin mo, hindi para sagutin ka. Manahimik ka. Sasagot ka lang kapag tinatanong kㅡ"

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon