Chapter 17: Just logic

16.2K 500 36
                                    

-

Iannie

Isang linggo na ang nakalipas simula nung maresolba namin yung kaso ng pag kawala ng mga libro. Isang linggo na ring nakakulong si Byron, hindi dahil sa pag nanakaw nya ng libro, kundi dahil sa pagiging involve nya sa pag bebenta ng ilegal na droga. Ilang pakete rin ng iba't-ibang klaseng party drugs ang nakuha sa kwarto nya at kabilang na rin doon ang bagong droga na kung tawagin ay Bloody merry.

Hindi na rin nakalabas sa publiko ang tungkol sa pag tutulak ng droga ng isang estudyante ng Olympus, malaking issue pa kasi yun. Maging ang tungkol sa drogang bloody merry ay wala ring ibang nakakaalam kundi kaming apat at si Tito Dan. Dahil kung ilalabas namin ang tungkol sa bloody merry ay mag tataka sila, paano nga ba malalaman ng isang high school student ang tungkol doon diba? Di bale sana kung itong si Byron ay nag sasalita, pero hindi. Hindi sya nga sasalita tungkol sa bloody merry, mistulang pipi at bingi ang loko kapag yung bloody merry na ang pinag-uusapan.

Sa isang linggo na yun ay masasabi kong napahinga naman ang mga detective cells namin. Hindi naman sa walang client na pumupunta sa amin kundi dahil sa mga madadaling problema lang ang idinudulog nila sa amin at mga problemang sadya namang wala talagang kwenta. Akalain mo ba namang pati ang problema nila sa lovelife nila ay inilalapit din sa amin? Katulad nalang ngayon, maaga ang dismissal dahil sa meeting ng mga teacher kaya eto kami at nakatambay sa clubroom habang nakikinig sa walang kwentang problema daw nitong babaeng kaharap namin.

"Matutulungan nyo ba ako? Pleaseee. Matagal ko na kasing crush yun. Please naaaa." pag mamakaawa nya. Ewan ko kung anong pangalan nitong babaeng to, sinabi nya kanina pero di ko natandaan.

"Miss, for the nth time, we.are.not.love.gurus." medyo pikon ng sabi ni Louis. Pang lima na kasi sya sa mga 'client' na puros lovelife ang idinudulog sa amin.

"Kami nga walang lovelife eh, wala kaming alam sa ganyan." sabi naman ni Bullet na akala ko'y tulog dahil kanina pa sya nakapikit.

"Kung ako sayo, doon ka nalang sa WLines lumapit, baka may maipayo sila sayo." suggest naman ni Heaven. Ang sinasabi nyang WLines ay isa rin sa mga clubs ng Olympus, sila ang lapitan ng mga may problemang estudyante na nais humingi ng advice, problema sa studies, love life, families at kung ano pang problema.

"Mga kaso ang nireresulba namin dito hindi problema sa love life, kapag may nawala sayo o nanakaw sayo, ayon,  kaso yun, maaari ka pa naming matulungan,pero yang problema mo sa crush mo? Sorry to tell you but we have no time for nonsense shits." tamad na sabi ko.

"Yun na nga, may nawawala nga sa akin..." hirit pa rin nya.

"Ano?"

"Yung puso ko. Ninakaw nya yung puso ko." napatampal kaming lahat sa noo. Malala na sya.

"Miss, aral muna bago lovelife. Yung puso mo wala sayo? Aba matindi! So sinasabi mo bang patay ka na? Gigil mo si ako!" inis na sabi ni Bullet. Napailing nalang ako, kahit kelan talaga.

Sumimangot nalang yung babae. Sorry nalang, talagang wala kaming maitutulong sa kanya.

"Anong plano nyo bukas?" tanong ni Bullet nung makalabas na yung babae.

"Wala." tamad na sagot ni Louis at Heaven. Weekend na kasi bukas kaya nag tatanong na naman si Bullet ng mga planong gawin.

"Buti pa yung isa dyan, may date bukas." at ako ang tinutukoy ni Bullet. Hindi kasi natuloy yung date daw kuno namin ni Var noong last weekend dahil may biglaan akong ginawa, kaya ayon, bukas nalang kami lalabas.

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon