Chapter 32: Scandal

12.8K 393 42
                                    

-

WARNING: This chapter contains rated SPG words that may not be suitable for readers below 18 years old. Parental guidance is advice XD charot hahahaha. Pero seryoso, may mature contents talaga tong chapter na to. But don't worry, slight lang naman yun.

Iannie


Ang pag dukot sa amin ni ate, ang pagkamatay nya, si Ms. Paws, ang bloody merry, ang bombang inilagay kay Sir Art, ang nangyari nung OH Night at ang latest, ang pag dukot sa akin. Lahat may koneksyon sa Malum. Ano ba ang kailangan nila sa akin? Kung gusto nila na patayin ako, ilang beses na silang nag karoon ng pag kakataon para gawin yon, pero bakit di nila ginawa?

Isa lang ang naiisip kong dahilan kung bakit mas gusto nilang buhay akong makuha kaysa sa bangkay na, may kailangan sila sa akin. Ang tanong nalang, ano iyon?

Nasakit na ang ulo ko sa kakaisip pero talagang wala akong maisip na iba pang dahilan kung bakit. Kung ang pag iimbistiga ko sa kanila, pwede din, pero kung dahil nga doon, hindi ba at mas maganda kung patayin nalang nila ako para wala ng balakid sa kanila?

Ang daming tanong na 'bakit' sa isip ko pero kahit isa wala akong masagot.

Napatigil ako sa malalim na pag iisip ng may marinig akong sigawan. Parang may nag aaway. Bumuntong hininga ako at isinalpak ang earphones sa tenga ko. Itinodo ko ang volume para wala akong ibang marinig, sakto pang Ignorance ng Paramore ang tugtog, feeling ko tuloy may live band sa loob ng tenga ko.

Feel na feel ko ang pag iisa dito sa rooftop. Nakaupo ako dito sa gilid ng tangke ng tubig, trip ko lang. Para kapag may dumating na iba dito,hindi ako makikita. Pero sa tingin ko walang ibang pupunta dito. Bakit? Under construction kasi yung last floor bago itong rooftop, may sign na nakalagay doon na off-limits ang lugar na yon, sadyang pumuslit lang ako dito dahil gusto kong mapag isa.

Napatingala ako. Medyo makulimlim at parang uulan, sana nga umulan. Ewan ko ba. Parang gusto kong umiyak pero ayokong may makaalam na iba kaya hinihiling ko na umulan para kapag umiyak na ang langit,iiyak na din ako. Walang makakahalata, walang makakaalam. Ano bang nangyayari sa akin? Hays.

Kung nandito lang sana si ate.

Nang feeling ko ay bingi na ang mag kabilang tenga ko ay pinatay ko na ang music at inalis na ang earphones pero hindi parin ako natayo. 20 minutes pa naman bago mag start ang pang afternoon class, dito muna ako.

Napakunot ang noo ko ng may marinig akong yabag. Sino naman mag iinteres na pumunta dito kahit na off-limits ito bukod sa akin? Tumayo ako at sumandal sa gilid ng tangke. Nakita ko ang likod ng isang babae, base sa pag alog ng balikat nya, masasabi kong naiyak sya. Tahimik na pinagmasdan ko ang babae. Nakaupo sya sa sahig ng rooftop at tahimik na umiiyak. I wish I can cry like that....But I cant.

Almost five minutes na syang naiyak at almost five minutes na din akong nakatingin sa kawalan. Napalingon ako sa kanya ng makita ko sa peripheral view ko na tumayo sya at nag pakawala ng isang malalim na buntong hininga. Oh, I guess she's done crying. Naisip kong ipahiram sa kanya ang panyo ko kaya naman kinuha ko ito sa bag since nilagay ko yun doon kanina.

Laking gulat ko ng pag tingin ko sa kanya ay nakatayo na sya sa pinaka edge ng rooftop at mukhang ready na syang tumalon. Mabilis kong tinakbo ang pagitan namin at kaagad na hinila ang kamay nya kaya naman parehas kaming napahiga sa sahig ng rooftop.

Mabilis syang bumangon sa pag kakahiga at masamang tumingin sa akin. "Bakit mo pa ako pinigilan!?" galit na tanong nya habang naluha pa rin. Pinagpag ko ang damit ko at tumayo. Kunot noong tumingin ako sa kanya.

"Sino namang nag sabi sayo na pinigilan kita? Assuming lang te?" tanong ko sa kanya at inirapan pa sya. Uso din pala ang assuming sa taong gustong magpakamatay.

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon