Chapter 3: Meeting Bullet

27K 754 166
                                    


-

Iannie


Bakit ba laging traffic sa Pinas? Psh. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na yang natanong sa sarili ko. At alam kong ganon din tong kasama kong kanina pa pinag iinitan yung busina ng kotse ko. Take note ha, ako pa nag da-drive at hindi sya.

"Argh!" inis na sigaw nya sabay padyak ng malakas.

"Hoy hoy! Nasa loob ka ng kotse ko. Baka gusto mong lumipad dyan sa labas?" mataray na sabi ko sa kanya at sinamaan sya ng tingin. Inaano ba sya ng Lancer evo ko? Psh.

After a long minutes of waiting ay lumuwag na ang kalsada at nawala na ang traffic. May banggaan pala kaya nag traffic. So eto nga kami, mga 15 minutes away nalang kami sa bahay ni Bullet. He's living by himself by the way.

"Anong lugar to?" tanong ni Louis na kanina pa palingon lingon sa paligid. Kahit di ko nakikita ang mukha nya ay sigurado akong nangungulubot na ang noo nan sa pag kunot. Sabagay, hindi ko naman sya masisisi. Sino ba naman kasing hindi mapapakunot ang noo sa lugar na to?

May mga bahay nga ngunit sira-sira naman. Madami din nag kalat na kung ano sa daan. Sa unang tingin nga aakalain mong abandonadong lugar to, pero hindi. Miski nung unang punta ko rin dito,yung reaksyon ni Louis ngayon ganoon din ang reaksyon ko dati.

"Have you heard about that mystery wall or mystery village?" imbis na sagutin ko sya ay tinanong ko pa sya. Galing ko talaga.

"Yeah but hindi ako naniniwala dun. Diba ayon yung wall daw na may mga tao at sasakyan na natagos? Mga multo at multong sasakyan daw. Bakit mo natanong?" sabi nya at biglang lumingon sa akin. "Don't tell me naniniwala ka doon?" hindi makapaniwalang tanong nya.

"Haha malamang hindi. But naniniwala ako dun sa mystery wall or mystery village." nakangiting sabi ko sa kanya. Noong una ay kunot na kunot ang noo nya hanggang sa dahan-dahang nanlaki ang mga mata nya. I think na figure out nya na ang gusto kong iparating.

"Don't tell me eto yung mystery village na sinasabi nila?!"

"Hundred percent yes." nakangiting wika ko. "That mystery wall is true but hindi naman mystery wall talaga, siguro sa mata ng nakakakita. Meron kasing detector ang wall na yun." pinakita ko sa kanya ang singsing ko na dun nakalagay yung parang pinaka passes ko dito.

"Pag nadetect ng wall tong chip na nasa ring ko kusang bubukas yung wall at habang hindi kapa totally nakakapasok or nakakalampas ay nag po-project yung ng parang hologram para sa labas ay itsurang wall parin sya. And that explain the mystery wall thingy na sinasabi nilang may tumatagos na multo o multong sasakyan." paliwanag ko sa kanya. Sya naman ay parang hindi parin makapaniwala.

Itinabi ko na ang kotse ko at bumaba na kami. Palingon lingon parin si Louis sa kung saan. Ganyang-ganyan din ako nung unang punta ko dito kaya hindi ko sya masisisi dahil danas ko na yan.

"Dito nakatira si Bullet?" tanong nya habang nakatingin sa abandonadong bahay na nasa harapan namin.

"Yeah. Hey nga pala, turn off your phone baka mag trigger yan ng alarm dito." kahit nag tataka ay sinunod naman nya ang sinabi ko. "And oh, one more thing, be alert. Wag ka din basta humawak sa kung saan." paalala ko sa kanya. Mahirap na, baka kung ano na namang kalokohan ang nilagay ni Bullet dito sa bahay nya.

Pahakbang na sana kami sa unang baitang ng hagdan dito sa labas ng may mapansin akong dalawang parang maliit na bilog na metal sa mag kabilang gilid. Shit! Bigla kong hinila si Louis kaya naman napataob kami and worse, nakapatong sa akin si Louis!

Shit! Ano ba tong pwesto namin!? Nanlalaki ang mata naming dalawa. Argh! Mapapatay ko talaga si Bullet!

Agad namang tumayo si Louis at inalalayan din akong makatayo. "Bakit mo ba kasi ako hinila? Yan tuloy..." sabi ni Louis na pulang pula ang tenga at panay ang kamot sa ulo.

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon