Chapter 15: Missing books

18.1K 490 74
                                    

-

Louis

Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako sa biglaang pag kakaalam ko ng sikreto ni Iannie. Sino bang hindi mawiwindang hinda ba? She's part of a mafia for Pete's sake! Kasi parang ang ironic lang, look, she's a mafioso but she's solving a crime. Mafia is illegal.

"Dude, hindi kusang gagalaw yang P.E. uniform mo. Hindi mo masusuot yan kung habang buhay ka nalang na tititig dyan sa locker mo." tsk. Nakatulala na pala ako. Agad kong kinuha ang P.E. uniform ko at nag palit na.

"Bakit ka ba tulala? Wag mong sabihing yung tungkol kay Iannie na naman ang iniisip mo? Pangatlong araw mo na yan haha." tanong ni Bullet sa akin. Yeah, tatlong araw na akong natutulala kapag biglang pumapasok sa isip ko yung tungkol kay Iannie pero si Bullet at Heaven cool lang,para ngang hindi nila nalaman eh.

"Wala manlang bang tanong dyan sa utak mo tungkol kay Iannie?" tanong ko sa kanya. Sa amin tatlo ata eh ako lang ang isip ng isip. "Meron syempre, napakadami, pero alam mo dude, wag ka ng mag isip ng mag isip, just go with the flow." nakangiting sabi nya sa akin sabay tapik sa balikat ko.

Hays. Hindi na nga ako mag iisip ng mag iisip. Just go with the flow Louis, just go with the flow.

-

Iannie

"

Okay, class, start na tayo. Once na tawagin ko ang name nyo punta agad sa first obstacle. Let's start with Bullet." parang biglang nag karoon ng artista nung tinawag ang pangalan ni Bullet dahil sa hiwayan ng mga babae kong kaklase. Really? Aish.

Madali lang naman ang gagawin namin ngayon, well, para sa akin madali, ewan ko lanh sa iba. Parang mag-eenjoy nga ako dito sa activity namin ngayon. Mayroong tatlong obstacle, first is identifying weapons, may sampong Japanese weapons and kailangan mong ibigay ang pangalan non. Second, makikipag laban ka ng korean wrestling sa isang member ng martial arts club, then third is archery, kailangan mong makakuha ng 25 points and up. It's quite easy right? But here's the challenge, you only have eight minutes to finish those obstacles.

Nag simula na si Bullet at hindi naman sya nag tagal doon sa first obstacle but nakita kong may mali sya. Paano ko nalaman? I'm a mafia, malamang lang na alam ko ang iba't-ibang uri ng weapons. Sa second obstacle ay medyo nahirapan sya dahil magaling din ang kalaban nya but finally, napatumba nya. Sa third obstacle alam kong madali lang kay Bullet yan, sana. Sharp shooter kasi yan, kaso pag baril ang gamit, ewan ko lang kung sharp shooter din sya sa archery. 8-9-9, total of 26 points.

Madami pang sumunod kay Bullet ngunit kakaunti lang ang nakatapos dahil pag dating nila sa second obstacle ay sila ang napapatumba o di kaya naman ay nauubos ang oras nila kaya naman hindi na nila nagawang makapunta sa third obstacle.

"Next is Heaven." anunsyo ni Ms.Ravena. Agad naman pumunta si Heaven sa first obstacle at ng pumito na si ma'am ay agad syang nag simula.

"Nice." nasabi ko nalang nung makita kong tama lahat ang sagot nya sa first obstacle. "Kaya nya kaya yung sa second?" tanong ni Louis sa akin. Unfortunately, ang nabunot ni Heaven ay lalaki pero mukhang kaya nya naman. "Siguro, payat yung lalaki at mas mataas si Heaven sa kanya." sagot ko.

At tama nga ako, nakaya ni Heaven yung lalaki. In fact, saglit lang nyang napatumba yung kalaban nya. Quite good. Medyo sablay nga lang sya sa archery pero ayos na, total of 24 points ang nakuha nya.

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon