Chapter 64: Start of their downfall

10.7K 313 52
                                    

-

Iannie

Kasalukuyang pinagkakaguluhan ng mga pinsan ko ang VIP card na binigay sa amin ni Mr. Yamaguchi. Hindi sila makapaniwala na nakapasok at nakalabas kami ng buhay sa teritoryo ng Yamaguchi-gumi Yakuza. At mas lalong hindi sila makapaniwala na nakausap namin ang pinaka-leader nila na si Mr.Yamaguchi at binigyan pa kami ng VIP card.

"Damn, couz! Iba talaga kayong dalawa ni Louis! Dapat sinabi nyo sa akin na pupunta pala kayo sa mansion ng mga Yamaguchi-gumi, edi sana mayroon din akong ganito." naiinggit na sabi ni Rhaiu habang titig na titig sa VIP card.

"Di manlang kayo nagsama. Tsk. Madadaya kayo." parang bata na sabi naman ni Bullet.

"Para namang hindi ka namin isinama, dude? Kasama ka dapat namin, diba? E kaso wala, hindi ka sumama e." pang-aasar pa ni Louis.

"Hey, hey, hey, kiddos. Anong pinagkakaguluhan nyo dyan?" tanong ni daddy na kakadating palang.

Ipinakita sa kanya ni Bullet ang VIP card namin na nanggaling kay Mr.Yamaguchi. "Binigyan sila ni Mr.Yamaguchi ng VIP card. Dad, gusto ko rin non." halos mapatawa naman ako sa kanya dahil para syang spoiled na bata na nagtuturo ng laruan.

Kumunot ang noo ni dad at kinuha ang VIP card kay Bullet. "Yamaguchi-gumi Yakuza?" patanong na pagbabasa ni dad sa nakasulat doon sa card. "This is from the leader of the largest Yakuza family in Japan? He gave it to you personally? You two met him?" hindi makapaniwalang tanong ni daddy habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Louis.

"Opo, tito. Kakauwi lang po namin ni Iannie galing Japan." sagot ni Louis.

"Paanong nangyari na nakausap nyo sya? Pati saan? Ang sabi nyo sa isla lang ang punta nyo,na may aayusin lang kayo doon."

"Yun nga, dad. Mahabang istorya kasi e, pero sige, ike-kwento namin sayo." at kwinento nga namin ni Louis kung paanong ang pagpunta namin sa isla ay dinala kami sa Japan. Simula sa umpisa hanggang dulo, para hindi sya maguluhan.

"It's good to hear that he want to be one of our affiliates, but the fact that you didn't even tell me that you're going to meet one of the most feared people in the world is disappointing. Paano nalang kung napahamak kayo doon? Oo nga't kaya nyo ang sarili nyo, kaya nyong lumaban, pero teritoryo nila iyon, paano kung hindi na kayo nakauwi ng buhay dito? Wag nyo ng uulitin yan, Venus at Eris." seryosong sabi ni dad na nakapagpayuko sa aming dalawa ni Louis.

"I'm sorry, master." sabay na sabi namin ni Louis.

"Apology accepted." iginala nya ang paningin nya, para bang may hinahanap. "Where's Heaven? Is she still alive? Or my dearest daughter and son already killed her?"

"Dad! Baka marinig ka!" sabay na sita namin ni Bullet. Aish. Si dad talaga kahit kailan.

"So buhay pa sya? Good. Masasaksihan nya kung paano ko unti-unting papabagsakin ang inaasam nyang negosyo ng pamilya nya." nakakatakot talaga si dad kapag ganito ang paraan ng pagsasalita nya. Madalas na nagbibiro si dad pero wag na wag mo syang gagalitin, dahil kapag sya ang nagalit, baka pati ang mga demonyo ay matakot sa kanya.

"You can do it in just a snap, right, dad? So why slowly?" tanong ni Bullet.

Walang mababasang emosyon sa mata na tumingin si dad sa kanya. "Why do you mind? Do you still care about her?" tanong nya sabay ngisi.

"Of course not, dad. I'm just asking, so, chill. I don't care about her, her family and everything that is related or connected to her. In fact, at the moment when I found out that she's a fvcking traitor, I really want to kill her, but I can't do it since Iannie wants her to suffer first before ending her life." Bullet said in a dangerous cold tone. I can't see any emotion on his eyes, just blank.

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon