Chapter 63: Yakuza

11.2K 334 26
                                    

-

Iannie

Paano kaya nalaman ni Isaac ang tungkol sa bagay na yon? Sinabi kaya sa kanya ni Henry? Kung sinabi nga sa kanya, bakit sa kanya pa na apo lang? Bakit hindi kay Matteo na anak nya na sya ring pinagkatiwalaan nya sa halos lahat ng negosyo nya?

Ipagpalagay ng sinabi nga ni Henry kay Isaac ang tungkol sa bagay na yon, pero si Isaac ang pumatay kay Henry, kaya kung sinabi nga sa kanya ni Henry, bakit nya pa ito pinatay?

"Babe, stop thinking how Isaac found out Henry's little secret, will you? Hindi na natin problema yon kaya wag mo ng kaisipin yon, okay? Ang kailangan nalang natin ngayong gawin ay unahan ang mga tauhan ni Isaac na mahanap ang gintong Buddha na itinago ni Henry sa pamamagitan ng paglilibing nito sa gubat. Yun ang pagtuunan natin ng pansin." pangangaral ni Louis sa akin na nakaupo sa malaking ugat ng puno na katapat ko.

Nandito kami ngayon sa gubat, inaabangan na dumating ang tatlong tauhan ni Isaac. Sa totoo lang tama talaga si Louis,hindi ko na dapat iniisip yon dahil hindi na namin problema yon, pero hindi ko maiwasan na ma-curious.

Kasama sa pagnanakaw ng gintong Buddha si Henry, silang lima ng mga kaibigan nya. Hindi iyon ang unang pagnanakaw na ginawa nila, marami na silang nanakawan, mga batikang magnanakaw sila. Pero tila minalas sila sa pagnanakaw ng gintong Buddha dahil nahuli sila.

Minalas sila, yun ang sabi ng media. Ngunit ang totoo ay dinaya sila ni Henry, bukod doon sa isa pang testigo na nagsabing lima ang nakita nyang pumasok sa museo, may isa pang testigo- sya, si Henry Amaluma. Sinabi nya na pinilit sya nung apat na sumama sa gagawin na pagnanakaw, at dahil daw binantaan ng apat ang buhay nya ay wala syang nagawa kundi ang sumama kahit labag sa loob nya.

Nagawan nya rin ng paraan na pakiusapan ang mga pulis na huwag ilantad ang pangalan nya, hindi ko alam kung anong magic ang ginawa nya para mapapayag ang mga pulis pero isa lang ang naiisip kong paraan na ginawa nya, sa tingin ko ay binayaran nya ang lahat ng pulis na involve sa kaso. At oo, si Henry rin ang nagpapatay sa mga kaibigan nya. Binayaran nya ang isang inmate para patayin ang apat.

Ang gintong Buddha, hindi nila ninakaw yon dahil na-trip-an lang nila, na dahil alam nilang purong ginto iyon. Ninakaw nila iyon dahil may nag bayad sa kanila,may nag-utos sa kanila. Sino ang nag-utos? Ang mga Yamaken. Ang pamilya ng yakuza na pinagmulan ng ina ni Henry. Hindi na sinabi ni Neo sa akin kung paanong napunta yon dito sa Pilipinas pero ang gintong Buddha na iyon ay pagmamay-ari ng mga Yamaken at gusto nila itong maibalik sa kanila.

At dahil sa pagpapanakaw na ginawa ng mga Yamaken ay nakilala ni Henry kung gaano ka-impluwensya ang pamilyang pinag-mulan nya. Hindi ko na alam kung ano pang sumunod na nangyari,kung bakit hindi ibinigay ni Henry ang gintong Buddha sa mga Yamaken kahit na malaki naman ang bayad nito sa kanya, wala kasing mahanap na kahit ano ang team ko tungkol sa bagay na yon, hanggang doon lang sa itinakbo ni Henry ang gintong Buddha at itinago ito. Pero ang hinala namin ay may nalaman si Henry na kung ano, kaya naman imbis na ibigay nya ang gintong Buddha sa mga Yamaken kapalit ng malaking halaga ng pera ay itinago nya pa ito.

Gusto kong malaman kung ano ang nalaman ni Henry, kung ano ang dahilan nya at kung paano nalaman ni Isaac ang tungkol sa gintong Buddha, pero gaya nga ng sinabi ni Louis, hindi na namin problema yon. Idadagdag pa nga ba namin iyon sa mga isipin namin? Imbis na isipin iyon ay iisipin ko nalang kung paano namin mahahanap ang gintong Buddha na iyon.

Kaso paano? Ang lawak nitong gubat. At isa pang iniisip ko ay kung kanino ba dapat ibigay ang gintong Buddha kapag nakuha na namin ito, sa gobyerno ba o sa mga Yamaken? Aish.

"What the fvck!?" nabigla ako sa ginawa ni Louis kaya naman napamura ako. Bigla nya lang naman kasing ibinato yung dagger nya sa gilid ng kamay ko. "What the hell are you doing, Louis?"

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon