Chapter 67: Shit happens

11.8K 336 44
                                    

-

Iannie


Apatnapu't tatlong estudyante ang sugatan, lahat ay malala ang lagay.

Hindi ko akalain na may mangyayaring ganito sa Olympus. Kakatapos lang ng sem-break, ngayong araw ang pasukan at ito agad ang sumalubong sa mga estudyante. Ipinangako ko pa naman sa sarili ko na babalik lang kami nila Louis sa Olympus kapag ayos na ang lahat.

Hindi pa namin alam kung ano ang dahilan ng pagsabog, papunta palang kasi kami sa Olympus at kasalukuyan palang din na inaalam ng mga pulis kung ano ang nangyari.

"Napakagandang salubong naman nito para sa umaga." walang emosyon na sabi ni Bullet. Literal kasi na ang balitang iyon ang bumungad sa aming tatlo. Sa kwarto namin ni Louis natulog kagabi si Bullet, at kanina ay ginising kami ng malakas na katok ni Lindsay sa pinto at iyon na nga, sinabi nya sa amin ang nangyari sa Olympus.

Mas binilisan pa ni Bullet ang pagpapatakbo sa kotse at halata mong galit sya. Iisa lang ang hinala namin na salarin sa pagsabog na iyon, at iyon ang Malum. Mga walang kaluluwa talaga ang mga yon,bakit hindi nalang kami ang atakihin nila ng sa ganon ay mahanap nila ang gulong gusto nila? Bakit kailangan pang mandamay ng inosente?

Mabuti nalang talaga at walang namatay. Yun nga lang, madami ang sugatan. "Dumaan muna tayo sa clubroom bago tayo dumiretso sa bombing area. Hindi ako komportable sa suot ko." maya-maya ay sabi ko.

"Yeah. Dapat lang talaga. Baka kahit kilala tayong student detective ng Olympus ay hindi tayo papasukin ng mga pulis sa crime scene, mga naka pajama pa tayo." pagsegunda naman sa akin ni Louis.

Sa pagmamadali kasi namin ay hindi na kami nakapagpalit manlang ng damit. Tanging hilamos at pagsisipilyo lang ang ginawa namin at kaagad na kaming umalis sa mansyon.

"Dude, nakalimutan kong sabihin sayo, pinapasabi ni Capricornus na i-send mo daw ang lahat ng informations na nakuha ng mga pathfinder reaper tungkol sa dad mo kay Kendall. Sila na daw dalawa ang bahala." hinuli ni Bullet ang mata ni Louis sa rear-view mirror. "At huwag mo daw kalimutan ang first payment na two hundred fifty thousand. Bali five hundred thousand daw lahat, presyong kaibigan na daw yon."

"Presyong kaibigan pa yon sa lagay na yon? Paano pala kung hindi nya ako kakilala? Ang mahal ng serbisyo nya." iiling-iling na sabi ni Louis na ikinangisi ko naman. Si Capricornus pa, mangongotong ang kapre na yon e. "Pero bakit silang dalawa ni Kendall ang tatrabaho? Dati naman sya lang mag-isa, hindi ba?" kunot noong tanong pa nya at lumingon sa akin.

"Yeah. Bakit silang dalawa pa?" segunda ko.

Tumingin si Bullet sa rear-view mirror at nginisian kami. "Dahil partner silang dalawa, sideline nila yon." makahulugang sagot nya na lalong nagpakunot sa noo namin.

Partner? Sideline? Kung si kapre lang ay maniniwala akong may sideline sya dahil palaging wala sa mansyon ang lalaking yon kaya hindi imposible. E si Kendall? Asa! Ayaw na ayaw nya ngang umalis sa mansyon dahil pakiramdam nya daw ay nababawasan ang energy nya kapag hindi nya kaharap ang mga computer at gadgets nya, tapos may sideline sya? Hindi kapani-paniwala.

"Si Capricornus ang sa outdoor works kaya hindi na kailangan pang lumabas ni Kendall pero minsan ay napipilitan pa rin syang lumabas sa lungga nya, siguro kapag urgent or gusto nilang madaliin ang trabaho." wika ni Bullet habang nakatingin sa akin, para nya na ring sinabi sa akin na maniwala ako dahil totoong may sideline nga ang pinsan kong si Kendall.

"Ano bang sideline nila?" sabay pa naming tanong ni Louis.

Nilingon nya kani ni Louis at nginisian pagtapos ay muli ng ibinalik ang mata sa daan. "Alam ko kung ano ang sideline nila pero hindi ko sasabihin, alamin nyo nalang kung gusto nyo, pero sa tingin ko ay hindi nyo malalaman kung ano yon." makahulugang sabi nya at inihinto na ang kotse pagtapos ay lumabas na.

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon