Chapter 5: Who is unknown [Part 2]

20.5K 686 151
                                    


-

Iannie

"Teka. Matanong lang, anong kinalaman ng pag-inom mo ng frappe sa pag-iisip mo?" tanong ni Louis pagka-upong pagka-upo namin. Kaya pala kanina pa tingin ng tingin sa akin.

"Wala lang. I just make myself believe that I become smarter and can think clearly by drinking frappe. But sometimes chocolates lang ayos na." sagot ko sa kanya. Trip ko eh bakit ba.

"Effective naman ba?"

"Yeah. Try it sometimes. Try eating or drinking something or say a goodluck chant or look at the picture of your special someone. Basta itanim mo lang sa utak mo na whenever you did that thing it will increase your thinking ability." nakangiting sabi ko. Sya naman ay titig na titig lang sa akin.

Tsk. Bakit ba sya ganyan makatitig? Para pang timang na nakangiti habang titig na titig sa akin.

"Yo! Eto na po ang order nyo sir, ma'am." inilapag ni Bullet ang order namin at umupo sa tabi ni Louis. "Di pala ako bagay maging waiter. Ang gwapo ko masyado para sa ganitong trabaho." iiling-iling pang sabi nya. Bilib na bilib din tong lalaking to sa sarili nya eh. Sarap hampasin ng tray.

"Di ka talaga bagay dito. Bawal may mental disorder dito dude." pang babara ni Louis. Muntikan na akong masamid sa pag pipigil ko ng tawa. Wala lang. Ayoko lang ipakita yung tunay na ako. Feeling ko kasi ah basta! Ayoko. TAPOS.

"Gago. Sa gwapo kong to may mental disorder?!" at ayon. Nag bangayan na naman yung dalawa. Nakakahiyang kasama. Akala mong mga bata tsk.

Kinuha ko nalang ang frappe ko at ininom iyon habang patuloy pa rin ang pag-iisip ko.

"Dude alam mo ba kung anong nangyayari kay Iannie kapag nakakainom sya ng frappe?" narinig kong tanong ni Bullet. Tumigil na pala sila sa pag babangayan? Buti naman.

"Oo. Nadadagdagan ang thinking ability nya. Sinabi nya sa akin kanina."

"Dude dapat hindi ka maniwala don!" napatigil ako sa pag-iisip dahil medyo malakas ang pag kakasabi nya. Ano na namang kalokohan to? "Alam mo ba nung isang beses, meron kaming hindi maresu-resulbang kaso ay uminom din sya nan?" dugtong nya.

"Not really. Pero ang sabi nya kasi sa akin kanina, nagiging mas matalino at nakakapag-isip sya ng ayos kapag nainom sya nun." tugon ni Louis. "Pero anong nangyari? Na-solve nyo ba?" dagdag pa nya.

"Oo na solve namin. Pero dude! Sinasabi ko sayo, nakakatakot sya nun. Para syang sinaniban!" pag ke-kwento nya. Tsk. Paano naman ako makakapag-isip ng ayos nito? Aish.

"Ha?! Bakit?! Anong nangyari?!" Tsk. Ang lakas talagang makahawa ng virus ni Bullet. Pati tong si Louis na dating walang pakealam sa mundo ay nagiging parang ewan na rin na katulad ni Bullet.

"Nakakatakot sya dude. As in! Hindi namin na solve yung mga iniwang clue nung biktima pero nalaman namin kung sino ang suspect. Tangna dude. Nung kinausap nya yung mga suspect akala ko sya na yung biktima. Yung galaw at boses nung biktima kopyang-kopya nya! Tapos ayon! Sumuko yung suspect kasi nga natakot kay Iannie." lumingon pa sa akin si Bullet. Halata mong natatakot sya. "Sinapian si Iannie nung biktima dude! Sinapian!" dagdag pa nya.

Saan ba may pinakamalapit na mental institution dito? Ia-admit ko tong si Bullet. Hindi ko na kaya ang utak nitong si Bullet. Masyado ng malala. Kung makapag kwento tungkol sa akin kala mo hindi ko naririnig.

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon