Chapter 6: Who is unknown [Part 3]

19.6K 655 49
                                    

-

Iannie


Nakangising sinalubong ko ang masamang titig na ibinabato nya sa akin. Ilang segundo na ba kaming nag tititigan? Sinong unang mag babawi ng tingin? Definitely not me. Staring contest at its finest!

Maya-maya lang ay nauna syang sumuko. Lumipat ang tingin nya sa parang planner na nasa table nya at binuklat iyon.

"Wala sa schedule ko na pupunta ka ngayon dito." sabi nya habang nakatingin parin doon sa planner at binubuklat ito. "So, why are you here?" dugtong nya at saka ako muling tinignan. Isang mala-kutsilyo sa talim na titig na naman. Siguro kung nakakamatay ang titig, chop-chop na ako ngayon.

Kunwaring napalatak ako bago ako nag salita. "Aish. Kung ako sayo iinom na ako ng memory plus gold. Dumadalas na yang pagiging makakalimutin mo Ms. President." naiiling ko pang sabi.

"I have no time for nonsense Ms.Mayhem." seryosong sabi nya ngunit hindi ko yung pinansin.

Tumayo ako at humalukipkip at mabagal na nag lakad. "Nagiging makakalimutin kana Ms.President. Ipinatawag mo ako, nakalimutan mo ba?" tanong ko habang nag lalakad ng hindi parin inaalis ang pag kakatitig ko sa kanya. "Sobrang daming bagay ang mga nakakalimutan mo. Nakakalimutan mong gawin para isang perpektong palabas." kitang-kitang ko kung paanong dahan-dahang kumunot ang noo nya hanggang sa manlaki ang mata nya.

"Gusto mo bang isa-isahin ko kung ano ang mga bagay na nakalimutan mo?" tanong ko sa kanya at saka sya nginisian. Muli akong umupo sa silya na nasa gilid na table nya at humarap sa kanya.

Ipinatong ko mag kabilang siko ko sa table at pinag daop ang kamay ko. "First, your glasses. Walang grado ang salamin na suot mo. Nakalimutan mo na atang malabo ang mata mo? Second, your attitude. Nakalimutan mo na bang mabait ka? Third, your mannerism. Walang minuto na hindi mo hinawakan ang buhok mo. Bakit ngayon ni isang beses hindi mo ata hinawakan ang buhok mo? Nakalimutan mo yung mannerism mo?" dire-diretso kong sabi sa kanya.

Bakas na bakas sa mukha nya ang pinaghalo-halong emosyon. Hanggang sa muling tumalim ang kanyang tingin at tumitig sa akin.

"Ano bang pinagsasabi mong babae ka ha?" inis na tanong nya sa akin. Nice. Talagang ni-career nya na ang pag papanggap.

"Sorry wala akong medal or trophy na maibibigay sayo. Pang best actress ang drama mo ah. Stop acting now, I already know that you're not really Gwendalyn Galang." tamad na sabi ko.

Napatawa sya na parang baliw. "Hahahahaha! Nababaliw kana Iannie Mayhem." may pailing-iling pang sabi nya at tumawa uli. Baliw nga ito.

"May isa kapa palang nakalimutan." sabi ko sa kanya pero sya tuloy lang sa pag tawa. "Nakalimutan mong i-check ang background ko. Hindi mo ba alam na ilang kaso na ang naresulba ko? Kaya yang bulok mong pag papanggap bilang si Gwendalyn, sa tingin mo hindi ko malalaman agad?" dugtong ko na nakapag patigil sa pag tawa nya.

"Nga pala, may copy ka paba nung mga picture na pinadala mo sakin? Yung mga walang X ang mukha ko ha? Ganda kasi ng kuha eh." pang aasar ko pa. Nakita kong halos maging si hulk na sya sa sobrang galit.

Maya-maya lang ay nag vibrate ang cellphone ko. Si Bullet tumatawag. Kasama rin to sa plano namin. Na kapag hindi pa rin sya umamin kahit na sabihin kong alam ko na ang pag papanggap nya ay gagawa kami ng paraan para kusang lumabas ang tunay na sya. Ang kakambal ni Ms.President na sobrang obsessed kay Louis.

"Wait. Natawag si Louis." sabi ko sa kay pekeng Ms.President. "Hello babe?" bungad ko kay Bullet. Yeah,mag papanggap sya na sya si Louis at kunwari mag boyfriend kami.

"Ayaw pa rin talagang umanin. Tsk. Ewan ko lang kung hindi pa lumabas ang tunay na kulay nya sa gagawin natin haha."

"Haha. Ano ka ba naman babe. Mag kasama lang tayo kanina miss mo na agad ako?" malambing na sabi ko. Shit. Ako ata ang dapat bigyan ng medal or trophy.

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon