Chapter 12: Killer Couple [3] / Venus

19.2K 567 59
                                    

-

Iannie


Unti-unti ng dumidilim pero hanggang ngayon wala pa rin kaming plano kung paano sasagipin si Stephanie. Alam namin na hindi dapat kami nag sasayang ng oras pero alam din naman namin na safe si Stephanie.

Tumawag ulit si Tito Dan kanina at sinabing tumawag daw ang mga may hawak kay Stephanie at nanghihingi daw ang mga ito ng one hundred million pesos bilang ransom kapalit ng kalayaan ni Stephanie. Like what the heck, are they nuts or just really playing games on us?

Sigurado akong alam nila na hindi yun kayang ibigay ng magulang ni Stephanie. Base sa ginawa naming background check kay Stephanie, masasabi ko na mayaman naman ang pamilya nila. But not that rich. One hundred million pesos is really a big amount for Pete's sake!

Simpleng negosyante lang ang tatay ni Stephanie samantalang ang nanay nya naman ay purong may bahay lang, nag kataong solong anak lang si Stephanie kaya nakakapag aral sya sa isang sikat at mahal na university at naibibigay sa kanya ang luho nya. So, sabihin nyo nga sa akin kung saang kamay ng Diyos kukuha ng ganong kalaking pera ang pamilya ni Stephanie?

At ang sabi pa ng mag shotang killer, kung hindi maibibigay ng magulang ni Stephanie ang ransom na hinihingi nila hanggang bukas ay paniguradong bukas din ay may paglalamayan ang pamilya nila.

"Eh kung sabihin nalang kaya natin sa mga pulis na nandito sa lugar na to yung mag shotang killer na kidnapper at nandito din si Stephanie?" suhestyon ni Louis.

"Dude, di uubra. Hindi maaaring malaman tong lugar na to. Mystery Village nga diba?" sagot agad ni Bullet. Aish. Ang komplikado naman!

"Marunong naman siguro kayong gumamit ng baril no?" out of no where na tanong ko. Halos masamid yung dalawa sa tanong ko.

"B-Baril!? Aanhin naman ang baril?" nanlalaki ang mata na tanong nung dalawa. "Self defense. Mabuti ng sigurado." sagot ko. Wala na kaming ibang choice. Pero ayoko rin talaga ng planong to. Ayos lang sana kung ako lang. Aish!

"May plano ka na? At yung plano mo ay may kasamang baril?" gulat paring tanong ni Bullet. "Not really, para sure lang. Hindi malabong merong baril ang dalawang yun kaya much better na meron din tayo." sagot ko.

"Here's my plan..." umayos ng upo yung dalawa. "Mag papanggap tayo na bagong lipat lang tayo dito, kakatok kaming dalawa ni Louis sa pinto nila habang ikaw naman Bullet ay hahanap ng ibang daan para makapasok sa bahay nila. But this is too risky, hindi natin masisigurado na kapag kumatok kami ni Louis ay parehas silang sasalubong sa atin." napatango-tango yung dalawa.

"Eh kung kami nalang kayang dalawa ni Louis ang kumatok then ikaw ang mag hanap ng ibang daan para makapasok?" suggest ni Bullet. "Dude! Masyadong delikado yun. What if si Aiselle ang humarap sa atin kapag kumatok na tayo? For sure yung Arvin na yun nasa loob. Eh paano kung makita nya si Iannie? Dude, killer yun. Estudyante lang tayo." kontra agad ni Louis.

"Oo nga no. Ayts! Ang hirap naman nito, ni hindi natin alam kung ano bang ikikilos natin!" maktol ni Bullet. "Humingi nalang kaya tayo ng tulong sa iba?" suggest ulit ni Louis. May nabuong idea sa isip ko. Napangisi ako. Bakit hindi ko agad naisip yun?

"I have a better plan. Intayin nyo ako dito, susunduin ko lang yung maaaring makatulong satin." hindi na ako nag hintay pa ng sagot nilang dalawa, agad na akong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse.

-

Bullet

"Dude, may idea kaba dun sa sinasabi ni Iannie na better plan nya?" kunot noong tanong ni Louis na nakatingin pa din dun sa pinto. Tsk. Dude, kahit butasin mo ng tingin yang pintuan ng bahay ng gwapong si ako ay hindi lalabas dyan si Iannie.

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon