Chapter 41: Deal

13.4K 385 27
                                    

-

Iannie

Nakakailang bote na ba ng alak ang dalawang to? Pati kaming dalawa ni Heaven pinainom na rin nila. Tsk. Ako nalang ang natitirang matino sa aming apat. Si Louis at Bullet nakakailang basag na ng baso dahil nabibitawan nila sa sobrang pagka lasing, si Heaven naman ay hindi ko na maintindihan yung sinasabi. Aish.

Alam ko naman na may problema silang dalawa pero hindi naman tama na lunurin nila ang sarili nila sa alak, kaso anong magagawa ko? Ang pag lunod nalang sa alak ang ginawa nilang paraan para ilabas yung galit nila, kasya naman sa makasakit sila or gumawa ng bagay ng hindi pinagiisipan. Mas gugustuhin ko ng magpaka lasing sila, ilang oras lang naman ang itatagal ng alak sa katawan nila.

For the nth time, inawat ko na yung dalawa sa pag-inom pero katulad din ng mga nauna kong subok, hindi nila ako pinakinggan. Hindi ko maawat yung dalawa,buti nga itong si Heaven na hindi ko maintindihan ang sinasabi at panay ang kurot sa pisngi naming tatlo ay naawat ko. Tsk. Humanda silang tatlo sa akin bukas. Paniguradong may hangover ang mga yan, tatanggalin ko ang hangover nila in my own way.

Napagpasyahan kong iwan muna ang tatlo sa bar, lumabas ako ng mansyon at pumunta sa garden. Sakto naman na nandito si Rhyle at Rhaiu, kapwa sila may hawak na papel at mug, sa tingin ko ay hot choco ang laman ng mug na iyon, hindi naman kasi umiinom ng kape ang dalawang yan. Tahimik na lumapit ako sa kanila,aba ang mga loko,ni hindi manlang ako pinansin. O baka naman hindi lang talaga nila ako napansin? Humihina na ata ang pakiramdan ng dalawang to, pero pwede din na sadyang tutok lang sila sa kung ano mang nakasulat sa papel na binabasa nila.

"Kuya..." mahinang wika ko para naman mapansin nila ako. Sabay at kunot noong napatingin silang dalawa sa akin pero ng makita na nila ako ay kaagad na rumihistro sa kanila ang pag-aalala.

Agad nilang ibinaba ang mga hawak nila,humila si Rhyle ng isang upuan at ipwinesto ito sa pagitan nila. Kusa na akong umupo doon. "Ngayon lang namin ulit narinig ang pagtawag mo sa amin ng kuya, may problema ba?" nag-aalalang tanong nila.

Pinilit kong ngumiti. "Wala naman, trip ko lang kayong tawaging kuya. Hindi nyo kasi ako napansin naㅡ"

"Kung may gumugulo dyan sa isip mo o may sama ka ng loob, handa kaming makinig. Kung gusto mo namang umiyak, umiyak ka lang. Dalawang pares ng balikat at pwede mong iyakan." putol ni Rhyle sa palusot ko.

"Alam mo Iannie, kahit anong lakas ng isang tao, kahit anong galing nito, nakakaramdam pa rin ito ng sakit, nasasaktan pa rin. Alam mo kung bakit? Kasi nga tao lang tayo. Hindi masama kung kahit isang beses lang ay maging mahina ka." sabi naman ni Rhaiu. Tumingin ako sa kanya bago tumingin din sa kakambal nya.

Ang swerte ko pala. Kahit na naging malamig ang pakikitungo ko sa kanila simula nung mamatay si ate ay hindi pa rin sila nagbago. Sila pa rin yung mga pinsan ko na laging nasa likod ko, yung palaging sumusuporta at umiintindi sa akin.

Kasabay ng pagbuntong hininga ko ay ang pagtulo ng luha ko. Tama si Rhaiu, hindi masama ang maging mahina kahit ngayon lang. Tao lang naman ako, nararamdaman ko din ang nararamdaman ng iba.

"B-Bullet's parents, isa sila sa pumatay kay a-ate..." wika ko habang patuloy pa rin ang pag-iyak. "Sobrang sama ko ba kaya ganito nalang ang nangyayari sa akin? Bakit sa dinami-dami ng taong pwedeng pumatay sa ate ko ay bakit ang magulang pa ng bestfriend ko? Deserve ko ba ng ganitong buhay? Natatakot ako...natatakot akong baka bumalik na naman ako sa pagiging malamig ko dahil sa mga nalaman ko..." naramdaman kong hindi sila mapakali. Alam ko kung bakit, ngayon palang kasi nila ako nakitang umiyak.

"Tsk. Ikaw kasi Rhyle, sinabi mo pang kung gustong umiyak, ayan tuloy umiyak nga! Anong gagawin natin?" dinig kong bulong ni Rhaiu. Kahit tuloy ang pagluha ng mata ko ay napangiti ako, buti nalang talaga at hindi nagbago ang mga pinsan ko.

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon