Chapter 53: First kill

10.9K 473 59
                                    

-

Iannie


Umaga palang pero naghahanda na kami para sa gagawin pag atake mamaya, kanya-kanyang training ang mga pinsan ko at syempre,pati narin kami nila Louis. Si Bullet at Pistol ay umalis kaninang alas syete ng umaga, pupunta pa kasi sila sa HQ 2 ng Malum dahil ipapakilala na daw si Bullet doon.

Pabor sa side namin ang pagpunta ni Bullet doon dahil makakabisa nya ng husto ang lugar na iyon, makakapaglagay din sya ng mga bugs at hidden cam. Pagkatapos kasi ng gagawin naming pag-atake sa HQ 1 ng Malum ay isusunod naman namin ang HQ 2. Pero syempre, hindi agaran na isusunod namin ang isa pang HQ. Panigurado kasi na pagkatapos namin atakihin ang HQ 1 ay tataas ang lebel ng seguridad sa HQ 2 at lalo na sa main HQ kaya kailangang pagplanuhang mabuti.

Pa-planuhin ko ang bagay na iyon pero hindi pa muna ngayon, may tamang oras para doon. Gaya nga ng sinabi sa akin dati ni Louis, 'don't over think things and focus on what you are doing'. Kailangang buong focus ko ay nakatuon lang sa gagawin naming pag-atake. Kahit na kasama namin ang mga pinsan ko mamaya ay hindi dapat ako pakakampante.

Mabilis na pinaltan ko ng magazine ang baril ko, mabilis itong ikinasa at saka sunod-sunod na binaril sa noo ang limang gumagalaw na kartong hugis tao na nagsisilbing target ko. Nang sa wakas ay huminto na sa pag galaw ang mga target ay ibinaba ko na rin ang baril ko.

Inilahad ko ang kamay ko kay Aquarius na nasa tabi ko, inilapag nya sa kamay ko ang telescope na agad kong ginamit upang tignan kung ayos ba ang pagkakabaril ko. Napangisi ako ng makitang lahat ay bulls-eye. Galing mo talaga, Iannie.

Ibinalik ko ang telescope kay Aquarius at uutusan sana ulit sya na i-set ulit ang mga moving targets ng may mahagip ang mata ko na anino ng tao. Hindi ko iyon pinahalata kay Aquarius, inutusan ko sya na tignan ang ginagawa nila Louis bago ako naglakad papalayo.

Hindi masama ang kutob ko sa aninong nakita ko pero gusto kong malaman kung sino ang nagmamay-ari non at kung bakit nagtatago sya gilid ng mansyon. Pumasok ako sa mansyon at mabilis na umakyat sa second floor, nang marating ko ang veranda ay sumilip ako doon sa pwesto nung aninong nakita ko. Lalaki. Lalaki ang may-ari ng anino batay nalang sa maikling buhok nito at porma ng katawan. Naka-gray na T-shirt sya at naka pantalon.

Pinilit kong makita ang mukha nya pero hindi ko talaga makita dahil nakatalikod sya sa gawi ko. Mula sa veranda ay tumalon ako, balanseng lumapag ang paa ko ilang metro ang layo sa kanya at sapat na ang ingay ng pagkakalapag ko upang mapalingon sya sa akin.

Kunot noong napataas ang kilay ko ng makita ko ang mukha nyaㅡ I mean yung mata nya lang pala dahil naka-face mask sya. Pamilyar sa akin yung mata nya, wala akong retentive memory skill kagaya ni Heaven pero alam kong kilala ko ang mga mata na to.

"Who are you? What are you doing here?"

Nakatitig lang sya sa akin gamit ang nakangiti nyang mata. "Nice to see you again, young lady." nanlaki ang mata ko ng makilala ko ang boses nya. Isa ba sya sa mga reapers? Pero kung isa nga sya ay paanong nangyari na hindi ko manlang sya nakita dito?

"Still have those eagle eyes huh? Ikaw parin talaga yung kababata kong si Venus, pero nakakapag tampo lang, hindi mo na ako tanda." dagdag pa nya na nakapag pakunot ng noo ko. Kababata? Tinanggal nya ang face mask nya at ngumiti sa akin.

Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ko kung sino sya. Hindi ko talaga sya nakikita dito dahil hindi naman sya nagpapakita sa amin. Nakikita nya kami pero hindi namin sya nakikita. He is Capricornus! Damn! My old secret admirer, Ryker Mercado is Capricornus! Kaya naman pala nung isang beses na lumabas kami ay nasabi kong may kamukha sya. Fvck. Paanong hindi ko nahalata yun?

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon