Chapter 65: Bloody construction

11.8K 334 20
                                    

-

Iannie

Alertong napatingin ako sa side mirror ng minamaneho kong motor. Kanina ko pa napapansin ang pulang kotse na kanina pa bumubuntot sa akin. Tsk. Mapapa-trouble pa ata ako. Ang ganda naman panimula nito para sa araw ko, napakanganda.

Pero kung mapapasabak nga ako sa labanan, hindi dapat dito, malaki ang posibilidad na may inosenteng madamay. Iniliko ko pakaliwa ang motor, buti nalang at hindi pa naisasara ang daan na to. Humanap ako ng magandang pwesto at doon tumigil, inihanda ko ang baril ko at nilagyan ito ng silencer, in case of emergency.

Matapos kong ilagay sa parteng may matataas na damo ang motor ko ay dahan-dahan akong naglakad pabalik sa sementadong kalsada.

"Puta*ng*na! Nasaan na yon!? Bakit biglang nawala!? Imposible namang tumagos yon sa pader na yon." dinig kong sabi ng boses ng isang lalaki. Buti nalang talaga at mabilis akong magpatakbo ng sasakyan, may pader kasi sa hindi kalayuan,ang pader na iyon ay nagsisilbing pansamantalang harang sa kabilang kalsada.

"Sigurado ka ba na lumiko dito? Baka naman namamalikmata ka lang? Ang bilis ng pagpapatakbo nya kanina kaya baka akala mo lang na lumiko sya rito." sabi naman ng isa pang boses ng lalaki.

Nakarinig ako ng mga yabag kaya naman yumuko ako. Wala akong balak na makipagbarilan ngayon, masasayang lang ang bala ko. Mistulang pagapang na ang ginagawa ko para lang makausad ako at makita ko ang mukha ng dalawang nag-uusap.

Kinuha ko ang phone ko at mabilis na kinuhanan ng larawan ang dalawang lalaki. Mabuti ng alam ko ang itsura nila, baka kasi mamaya ay nakakasalubong ko na pala sila ay hindi ko pa alam na sila yon.

"Tawagan mo na si Sir Falcon, sabihin mo naiwala natin yung babaeng pinapasundan nya." pautos na sabi nung lalaking medyo malapit sa gawi ko.

Falcon? Damn. Bakit ba nawala sa isip namin na may mas mataas pa nga pala kay Imperial? Fvck. Buti nalang talaga at nabanggit nila ang pangalan ng amo nila,kung hindi ay hindi ko pa maaalala. Tsk. Kailangang makakuha kami ng impormasyon tungkol kay Theodore Falcon o Gamaliel Villaluna sa madaling panahon.

"Siraulo ka ba? Yari tayo doon kapag sinabi natin na naiwala natin yung babae. Tang*na, natakasan tayo ng menor de edad na babae, bakit ba gustong ipa-patay ni Sir Falcon ang batang yon?"

"Aba malay ko. Hindi na natin kailangang malaman yon, basta dapat ay mapatay natin ang babaeng yon para makuha na natin ng buo ang isang daang libo na bayad sa atin."

What the hell? One hundred thousand lang ang halaga ng buhay ko? Nakakainsulto yon ha. Hindi manlang ginawang isang milyon ang halaga ko. Tsk.

Parang biglang may nag-pop na maliwanag na kulay dilaw na bumbilya sa isip ko. Tama. Magagamit ko sila. Pera lang naman ang mahalaga sa kanila kaya hindi malabong kagatin nila ang alok ko at bumaliktad sila.

But at the second thought, sayang ang pera. Kagabi lang ay naglabas ako ng malaking halaga ng pera, at kung maglalabas na naman ako ngayon ay baka mamulubi na ako. Aish. Wag na nga lang. Kaya naman naming maghanap ng impormasyon tungkol sa Falcon na iyon, hindi ko na kailangang maglabas pa ng pera.

Bumalik ako sa motor ko at doon naghintay na umalis sila. Nang marinig ko ang pag-alis ng sasakyan nila ay isinuot ko na ang helmet ko, sumakay sa motor at pinaharurot ito papunta sa ospital ng mga Tross.

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon