Chapter 39: Broken

12.6K 377 32
                                    

-

Iannie

Argh! Hindi talaga ako makapaniwala doon sa picture. Nagkamali lang siguro si Alice? Sana nga. Pero parang hindi dahil ayon doon sa sulat, narinig nya ng maayos yung usapan nila na tungkol sa bloody merry. At isa pa, bakit nila kausap si Ms.Paws? Naguguluhan talaga ako.

"Bullet and Heaven, kayo na ang bahala dyan sa mga nakuha natin sa kwarto ni Alice, pati na rin doon sa video na nasa cellphone ni John. We need to double time, me and Iannie will go to the bar." napalingon ako kay Louis at pati na rin sa labas. Darn. Nasa parking lot na pala kami ng Olympus hindi ko pa alam. Ganon nalang ba ang pagka-lutang ko at hindi ko na namalayan na nandito na pala kami? Tss.

"I sa-suggest ko na nga rin sana yan. Osya sige,mauna na kami sa clubroom. Balitaan nalang namin kayo kung anong makukuha at malalaman naming infos, balitaan nyo din kami." tugon ni Bullet. Bumaba na silang dalawa ni Heaven sa kotse at lumakad na papasok sa campus.

Binuhay ulit ni Louis ang makina ng kotse at nag simula ng mag drive. Saan nga ulit kami pupunta?

"You're spacing out, Iannie. What is it this time?" may kahinaang tanong nya pero bakas na bakas ang pagiging seryoso sa tono.

I sighed and look outside the window. "Nothing. I'm just tired and sleepy." I answered. I hope na maniwala sya sa sagot ko.

Inihinto nya ang kotse kaya naman napalingon ako sa kanya. "Do you think I'll believe your excuse, Iannie?" he sneered. "I know you so well, Iannie. What is it this time? What are you hiding from us? Maybe you can fool Heaven and Bullet but not me, you can't easily fool me Iannie." he said in a dead serious tone. Tsk.

I acted like I didn't hear what he say, I just remained silent. I lean my head on the window and closed my eyes. I'm sorry Louis.

Tumawa sya ng pagak at pinaandar na uli ang kotse. "Playing deaf, huh? So, you're officially breaking your promise? Naniniwala na talaga akong promises were meant to be broken, thanks for proving that Iannie." wait, what? Kinokonsensya nya ba ako? Don't mind him Iannie, don't mind him.

"Torn page from her diary and an envelope with pictures inside, that's what you found right?" nanlaki ang mata ko at gulat na napatingin sa kanya. What the? Paano nya nalaman? "Ako ang nakakita ng diary ni Alice, remember? Nakita kong mayroong punit na isang page doon, then yung picture naman ay si Heaven ang nakahanap, sa sobrang lutang mo kanina ay hindi mo na ata narinig yung sinabi ni Heaven na lahat ng mga picture ay may number sa likod. Nasa 80 pieces yung picture but yung pang number 24 hanggang 31 ay wala." bakit ba nakalimutan ko na halos parehas kami kung mag-isip? Aish.

"Itinatago mo yan kasi gusto mo munang siguraduhin, hindi ba? Mamili ka, ako ang mag sasabi sa kanya kung ano ang nakita mo o hahayaan mong tulungan kita sa bagay na yan?" seryosong tanong nya na nakapagpalunok sa akin. Fvck. Don't tell me alam nya kung anong nakita ko?

HOW?

Mukhang wala na akong lusot kaya naman kinuha ko mula sa bulsa ko ang pinunit na page ng diary at ang envelope. Inabot ko sa kanya ang isang picture kung saan kitang-kita ang mukha ng magulang ni Bullet at ni Ms.Paws.

Halos mauntog na ako sa dash board dahil sa biglaang pag preno ni Louis. "What the fvck!?" pinaghalong gulat at inis na sambit ko.

"B-Bullet's parents are part of Malum!?"

"Akala ko ba alam mo?" naguguluhang tanong ko. Wait. Fvck! I was caught off guard! Hinuhuli nya lang pala ako! Aish! "Wag mo ng sabihin na hinuhuli mo lang ako. Argh! Nakakaasar ka, alam mo yun?" inis sabi ko sa kanya. Bwiset na yan.

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon