Chapter 20: Bomb and riddles

14.3K 568 101
                                    


Louis

Ilang araw na ba ang nag daan simula nung makaharap ko si Venus? Sa nag daang araw, bumalik na naman yumg dating Iannie. Yung poker face lang, tipid mag salita at may nakakatakot na aura, yung tipong sinisigaw ng aura nya na 'Talk to me and you're dead'. Ilang araw na din syang ganyan.

At hindi lang sya ang nag bago, maging si Bullet nag bago din ng bigla. Para nga silang kambal ngayon. Kungano si Iannie ngayon,ganon din si Bullet. Ang mapag birong Bullet ay nawala. Minsan lang nila kausaping dalawa ni Heaven. Mag sasalita lang sila kung kinakailangan.

Pero kahit ganon,hindi pa rin kami tumigil ang pag seserbisyo namin bilang nameless club. Tuloy pa rin kami sa pag so-solve ng mga kaso, nakakapanibago lang dahil masyadong tahimik ang clubroom namin. Walang mga biro at pag yayabang ni Bullet, mga pangbabara at cryptic na salita na nanggagaling kay Iannie, lahat wala.

Kahit halos isang bwan na ang nakalipas simula nung nangyari ang insidente sa field ay maugong pa rin ito sa buong campus,lalo na kapag nakikita nila si Iannie. Sabi nga nya, alamat daw ng bubuyog, bulungan ng bulungan. Noong isang araw lang ay may ginulping tatlong lalaki si Iannie, oo, ginulpi talaga. Hindi ko alam kung anong dahilan,ayaw din namang sabihin ni Iannie. Yung tatlo naman nyang ginulpi ayaw ding sabihin kung bakit.

Lalong akong humanga sa husay nya sa pag iimbistiga, hindi lang naman ako, maging si Heaven at mga pulis ay ganoon din. Tanda ko pa noong may inimbistigahan kaming murder case, sa buong pag iimbistiga namin ay ang ginawa lang nya ay tignan yung bangkay, sandaling inilibot ang mata sa crime scene, umalis sa crime scene, at pag balik nya, dala nya na ang murder weapon at doon nya na rin sinabi kung sino ang suspect. At syempre, tumanggi ang suspect, anong sinabi ni Iannie?

"Alam ko kung paano mo pinatay ang biktima, kung tatanggi kapa, gagawin ko rin sayo yun. Gusto mo i-demo ko  kung paano mo sya pinatay gamit ang baril na to? Pero sayo ko gagawin." lahat kami ay nag taka kung ano ang kinalaman ng baril, walang gunshot wound ang biktima, kaya papaanong baril ang ginamit? Tumanggi pa rin ang suspect, biglang inambaan ng hampas ng baril ni Iannie ang suspect, at doon namin napagtanto kung paano pinatay ang biktima gamit ang baril. Hindi sya binaril, ipinukpok nya ang baril sa ulo ng biktima hanggang sa mawalan na ito ng buhay.

Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako kung paanong ganoon kabilis nalaman ni Iannie kung sino ang suspect, ano ang murder weapon, kung saan nya ito nakuha at kung paano nya nalaman na ganon ang ginawang paraan na pag patay sa biktima. Alam nyo ba kung ilang oras lang ang iginugol namin, I mean, iginugol nya sa pag iimbistiga? 30 minutes. 30 freaking minutes at alam na-solve nya na agad ang kaso. Samantalang yung mga pulis na may hawak ng kaso ay isang oras ng nandoon pero naunahan pa rin nya sa pag resulba.

At ngayon, nandito kami sa clubroom, sabado ngayon at wala kaming balak na umuwi sa mga bahay namin o lumabas manlang ng Olympus. Katulad ng mga nag daang araw, tahimik ang clubroom namin. Ako at si Heaven ay nanonood ng Jumanji habang si Bullet ay nakaharap sa tatlong monitor ng computer nya at sa isang laptop. Si Iannie naman ay nakaharap doon sa isa pa naming TV, yung touchscreen naming TV. Nag dudu-dutdot na naman sya doon. Sal-itan ang ginagawa nyang pag tingin sa laptop at TV. Pipindot sa laptop at babalik sa TV. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya, araw-araw naman syang ganyan.

Natapos na ang palabas ngunit hindi pa rin tapos yung dalawa sa pinag kakaabalahan nila. Lumapit ako kay Iannie, nag babakasakaling bumalik na yung Iannie na marunong tumawa.

"Hey." lumingon sya sa akin at muling ibinalik ang tingin sa laptop nya. I guess hindi pa rin sya yung dating Iannie. Dinampot nya ang phone nya at nag dial. Nakita ko ang pangalan na Kendall.

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon