Chapter 34: Offer

13.3K 411 26
                                    

-

Iannie

Nangyayari ang lahat ng ito ng dahil sa akin. Oo, dahil sa akin.

"Jupiter, Neptune, kayo ng bahala kay Sir at sa kapatid nya. Kung may mag tatangkang pumasok dito, hulihin nyo." seryosong utos ko. "Sabihin nyo din yan kila Kenrick." dagdag ko pa.

"Sir, sila muna ang bahala sa inyo. Aalis na po kami." paalam ko at nag diretso na sa kotse.

"Ako muna ang mag da-drive." sabi ko kay Louis at pumwesto na sa driver's seat "Kamusta na yung e-mail address?" baling ko kay Bullet.

"Na track ko yung IP address pero ang weird eh." sagot nya. Kunot noong napatingin ako sa repleksyon nya sa salamin.

"Paanong weird?" sabay-sabay pa naming tanong.

"Lumalabas dito na sa Apple Valley, Los Angeles, California nanggaling ang lahat ng e-mail." sagot nya. Paanong nangyari na nanggaling ang e-mail na yun sa California? Nakakapagtaka naman.

"Sa tingin mo ba may kasabwat si Jessa na nasa California, Iannie?" tanong ni Louis. "Hindi ko alam, pero sa tingin ko wala." sagot ko sa kanya.

"I-track mo ulit Bullet, kapag lumabas na sa California pa rin nanggaling ang e-mail na yan,maaaring mayroon nga syang kasabwat. Pero mas iniisip ko ngayon na inililigaw nila tayo, Amaluma ang kalaban natin ngayon, sa mga ganyang bagay sila magaling. Imposible kasi talaga na sa California nanggaling ang e-mail na yon, wala silang tao sa L.A."

"Gaano ka kasigurado na wala nga silang tao sa L.A.?" tanong ni Louis. "Teka, wag mong sabihin na mag isa mong iniimbistigahan ang mga Amaluma?" nagdududa nyang tanong.

Hindi ako sumagot, nanatili akong tahimik at nakatuon lang ang atensyon sa pag mamaneho at sa daan. Kailangan ko ba syang sagutin? Aish.

Malakas na sumipa si Louis kaya naman bahagya akong napalingon sa kanya. Damn. Ginalit ko ata sya.

"Sinasabi ko na nga ba! Kaya pala nakikita kitang lumalabas kapag gabi na! Nag tataka pa naman ako kung bakit parang hindi mo iniimbistigahan yung nadiskubre natin doon sa Mystery Island! Yun naman pala mag isa kang nag iimbistiga!" halos mabingi ako sa sobrang lakas ng sigaw nya. Damn. Galit nga sya.

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin. Tss. Bakit ba kasi nauwi sa ganito?

"Iannie naman! Ikaw na mismo ang nag sabi na ibang kalaban ang Amaluma. Sa ating apat ikaw ang higit na nakakakilala at nakakaalam sa anong kaya nilang gawin, tapos mag isa kang mag iimbistiga!? Alam kong hindi lang simpleng pag iimbistiga ang ginagawa mo Iannie dahil kilala kita, at alam ko rin na walang alam dito ang mga pinsan mo. Alam mo ba kung bakit nasa Olympus si Lindsay? Dahil sayo. Yung kinakatakot nilang gawin mo ay ginagawa mo na pala ng palihim. Kahit nga hindi mo na ipaalam sa amin na iniimbistigahan mo ang Amaluma dahil para sa mafia mo yun ginagawa, wag na sa amin Iannie,kahit sana sa mga pinsan mo nalang." inis nyang sabi.

"Ayoko lang na may madamay, lalo na kayo." mahinang sabi ko. At last, nakaimik din ako. Kaso alam kong hindi sapat ang sinabi ko.

"Ayan na naman tayo sa ayaw mong may madamay. Iannie, may tiwala ka ba sa amin? May tiwala ka ba sa mga pinsan mo? May tiwala ka ba sa aming mga nag titiwala sayo?" tanong nya. Mababa na ang boses nya kumapara kanina, at medyo malumanay na rin ito pero hindi pa rin maitatago ang inis sa tono nya.

"May tiwala ako sa inyo. Ayoko lang talaga na maulit pa yung dati, yung nangyari sa ate ko. Ayokong may masaktan na mahalaga sa akin." sagot ko sa kanya. Buti at nakakapag drive pa ako ng ayos. Yung utak ko kasi kung saan-saan na lumilipad.

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon