Chapter 47: Stepping on their trap

12.4K 351 25
                                    

-

Iannie

Maya't-maya ang ginagawa kong pagtingin sa side mirror, mabuti na yung sigurado, baka kasi may nakasunod na pala sa amin. Papunta kami ngayon sa safehouse, dadalhin namin doon si Sir Art pati na rin yung asawa nya.

Sumosobra na talaga ang Malum, pati ba naman ang labing isang taong gulang na bata ay idadamay nila sa kagaguhan nila? Isa pang pinoproblema namin ay si Maxine, buti na nga lang at si Namano ay nasa panig na namin kaya alam kong wala pang ginagawang kagaguhan sa kanya ang Malum. Kahit na kinaaasaran ko ang impaktang yun ay ayoko parin naman na saktan sya ng Malum, kaysa sila ang manakit sa kanya ay ako nalang, matutuwa pa ako.

Matapos ang lampas isang oras na byahe ay nakarating na kami sa safehouse. Agad na sumalubong sa amin ang mga reapers at si Blake na isa sa naka-assign dito, hindi pa sya ganap na reaper pero dahil sa akin nanggaling ang pasya ay walang nagawa yung ibang reapers kundi ang pumayag nalang. Ganon din naman kasi yon, alam ko naman na papasa sya.

"Young lady, naayos na po namin yung tutuluyan nila." pagbibigay alam ni Scorpius, isa sa mga stars. Napalingon sya sa tabi ko. "Young master, lubos po akong nasisiyahan na nabawi kayo ng Mayhem. Ako nga po pala si Scorpius, ako po ang reaper in command dito safehouse one." magalang na sabi nya habang nakayuko ang ulo.

"Ang sarap pala sa pakiramdam na tawagin kang young master? Haha." kakamot-kamot sa ulong sabi ni Bullet. "Balik na kayo sa mga ginagawa nyo, kami na ang bahala dito." himala, hindi sya nag yabang.

"Ms.Iannie, pwede ka po bang maistorbo mamaya? Gusto ka daw pong makausap ng magulang ko." magalang na sabi ni Blake na syang naghatid sa amin sa tutuluyan nila Sir Art.

"Sure. Pupuntahan ko nalang sila mamaya." tugon ko. Nag bow sya sa amin bago sya lumabas. Napatingin ako kay Sir Art at sa asawa nya, si Sir tulala lang tapos yung asawa nya naman ay tahimik na umiiyak. Tsk. Ayokong nakakakita ng ganito.

"Uhm. Sir Art, Mrs. Aquino, dito po muna kayo pansamantala. Wag po kayong mag-alala, gagawin po namin ang lahat para maibalik sa inyo ang anak nyo." malumanay na sabi ni Heaven.

Tumingin sa amin si Sir gamit ang nakikiusap na mga mata. "May tiwala ako sa inyo,pero sana ay wag nyong hayaan na masaktan kayo. Para ko na rin kayong mga anak, utang ko rin sa inyo ang buhay ko kaya pakiusap, bumalik kayo dito ng ligtas."

"Kami pa ba, Sir? Nameless club kaya kami, nothing can beat us."

Isa-isa naming binabasa ang mga sulat at printed screenshots ng mga e-mail na ipinadala kay Sir. "Sigurado akong may clue dito, alam kong gusto nila na makarating sa atin ang kagaguhan na ginagawa nila. Alam kong trap ang ginagawa nilang to para mahuli tayo...o mas tamang sabihin na ako." seryosong sabi ko.

"Sang-ayon ako kay Iannie, they are trying to hit two birds in just one stone. Ang sabi ni Namano ay may binabalak ang Malum sa Olympus, at naumpisahan na nga ito kay Sir Art. Si Rossa naman ay inatasan na patahimikin si Iannie, nakita nyo ba yung lihim na pag ngising ginawa ni Rossa kanina nung palabas na sya sa room natin? Gagamitin nya ang tsansa na to para magawa ang balak na pagpapatahimik kay Iannie." seryosong sabi ni Louis.

"So si Iannie talaga ang target nila dito? Kasi alam nilang mabilis makatunog si Iannie kung may nangyayari bang kakaiba o wala, tama ba?" tanong ni Bullet na sabay naming sinagot ni Louis ng tango. "Sabihin natin to sa mga pulis, kay Inspector Dan, tutulong tayo sa pagbawi sa anak ni Sir Art pero hindi tayo sasama sa aktwal na pagbawi, lalo kana Iannie." seryosong sabi nya.

"I second the motion. Pwede tayong sumama sa kanila pero malayo tayo sa area, maghihintay lang tayo. Wag ka ng pumengol pa Iannie, ikaw ang main target dito kaya tama lang na sundin natin ang desisyon ng kuya mo." seryosong sabini Louis. Sumang-ayon din sa kanila si Heaven. Ano pang magagawa ko? Tatlo sila, isa lang ako.

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon