Chapter 59: Scared?

10.4K 336 63
                                    

-

Louis

Hindi ko inaasahan na marining ang mga salitang yon kay Heaven, really, hindi talaga. Oo nalaman namin na traydor sya pero hindi ko ine-expect na ganon pala sya kasama. Parang normal lang sa kanya na sabihin ang salitang 'patayin'. Kaya naman pala nung inatake namin ang isa sa HQ ng Malum ay hindi manlang sya nagdalawang isip na pumatay.

Wala kaming ginawa sa kanya o kahit na kay Imperial, hinayaan lang namin sya katulad ng sinabi ni Iannie. Kung tutuusin ay kayang-kaya na naming tapusin ang buhay nila doon pero ayaw pa muna ni Iannie,at ang dahilan? Hindi ko alam. Madalas ay nababasa ko kung ano ang natakbo sa isip nya, pero ngayon? Hindi.

Sigurado akong may binubuo na naman syang plano sa isip nya, at sigurado din ako na kung ano man ang planong yun ay maganda ang kalalabasan non.

Napatingin ako sa kanya at hindi ko napigilan ang humanga. Mabilis at eksperto nyang naiiwasan ang atakeng ginagawa ni Capricornus. Nag-aasaran kasi sila kanina at ayon na, nauwi sa isang duwelo ang pag-aasaran nilang dalawa. Parehas silang nakangisi sa isa't-isa at para bang hindi napapagod kahit na halos trenta minutos na silang naglalaban.

Nakita kong inihakbang ni Iannie palikod ang kaliwang paa nya at hindi iyon nakita ni Capricornus. Napailing nalang ako, siguradong matatamaan sya ng sipa ni Iannie.

At tama nga ako, sa isang iglap lang ay nasipa na kaagad ni Iannie si Capricornus sa gilid ng tuhod nito, napaluhod sya, kinuha naman ni Iannie ang tyempong yun upang masipa nya ulit si Capricornus at sa pagkakataong ito ay sa sikmura nya na ito sinipa. Napahiga si Capricornus habang hinahabol ang hininga. Tapos na ang laban.

"Hoooo! Panalo si Iannie! Gimme the money!Gimme the money! Woot woot!" masayang sigaw ni Rhaiu na sinabayan pa ng pagsayaw. Masayang-masaya ang loko dahil nanalo sya sa pustahan nila ni Kendall.

"Tsk. Bro! Badtrip ka naman eh! Bakit ka nagpatalo? Mapeperahan tuloy ako ng unggoy na to." reklamo ni Kendall habang dumudukot ng isang daan na papel sa pitaka nya.

"Ikaw kaya sipain ni Iannie sa sikmura? Hindi ka ba mapapahiga? Mapagreklamo ka, akala mo naman ilang libo ang nawala sayo, isang daan lang yan bro." sagot ni Capricornus sa kanya habang nakahiga parin.

"You're really fast. Siguro kung ako ang kalaban mo kanina ay mabilis mo akong napahiga." sabi ko kay Iannie sabay abot sa kanya ng tubig. Isa lang ang rule nila kanina, kung sino ang mapahiga,sya ang talo.

"Wag nga ako,Louis. Alam kong magaling ka ring makipaglaban, pantay lang tayo." sagot nya sa akin at umupo sa hita ko. "I love you, babe. Nag meryenda ka na ba?"

Umiling ako at mabilis na hinalikan sya sa labi. "Nope. Gusto ko kasabay ka." mabilis ko ulit syang hinalikan sa labi. "I love you more."

Akmang hahalikan ko ulit sya, unti nalang magdidikit na yung labi namin kaso biglang may kamay na pumigil sa paglalapit ng mukha namin.

Inis na tinignan ko ang may ari ng kamay, nakita ko ang nakangising si Capricornus. "Get a fvcking room. Madaming single dito, brokenhearted pa si Bullet, respeto naman."

Inis na binato ko sya ng bimpo sa mukha. "Tsk. Istorbo ka. Humanap ka rin ng girlfriend mo." bumaling ako kay Iannie na natatawa sa aminh dalawa. "Tara na nga, mag meryenda na tayo." sabi ko nalang.

Tapos na kaming mag meryenda ni Iannie at nagkekwentuhan nalang ng dumating si Capricornus at Bullet, mukhang mang-iistorbo na naman ang dalawang to.

"Ano na namang kailangan nyo? Tsk. Istorbo kayo lagi sa alone time namin ni Iannie, alam nyo ba yon, ha?" I snorted.

"Dude, have you already forgotten that you lose on our game?" nakangising tanong ni Bullet. "Come on, dude. Gusto ko ng malaman kung magpapainom ba ako sa tuwa o magpapainom ba ako ng dahil sa inis." sabi nya at tinapik-tapik pa ang balikat ko.

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon