Chapter 18: Spice

16.2K 477 52
                                    

-

Iannie

"Hawakan mo to. Alam mo naman kung paano gumamit nyan diba? Basta tandaan mo lang yung mga tinuturo sa atin, okay?"

"P-Pero..."

"Mas magaling ka sa akin sa pag asinta kaya may tiwala ako sayo. Pull the trigger if ever you see those bastards, aim their head or heart. Don't worry, papunta na sila dad dito, basta kung may makakasalubong kang isa sa kanila, barilin mo na kaagad."

"I can't ate! I can't!"

"You can yan-yan. Now, run as fast as you can, I'll try to block them. I only have six bullets, ate will always protect you. Run now Iannie! Run!"

"A-Ate..."

"RUN!"

BANG! BANG! BANG!

"L-Leave now, run as fast as you can. S-Save your life yan-yan. A-Ate always l-love you, please d-don't change y-yourself because of me..."

Napabalikwas ako ng bangon. Pinunasan ko ang mga luhang umaagos sa pisngi ko. What a fvcking nightmare. Bakit napapaniginipan ko na naman yon? Ilang araw ko ng napapaniginipan ang eksenang yon. Simula nung naka encounter ako ng member ng Malum nag simula na naman ulit akong dalawin ng masamang pangyayaring yon.

May ibig sabihin kaya ang pag balik ng panaginip na yon? Naiinip na ba si ate sa hustisyang dapat ay matagal ng naibigay sa kanya? O may iba pang kahulugan yon?

Tuluyan na akong bumangon sa pag kakahiga, maingat na nilampasan ko ang mga kaibigan kong tulog na tulog pa rin. Anong oras na ba? Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras. Damn! 5:37 am palang, so, almost three and a half hour lang pala ang naitulog ko. Great!

Dumiretso ako sa banyo at naligo nalang. Since tulog pa naman sila, uuwi muna ako sa mansyon at mag te-training muna. Matagal na rin akong hindi nakakapag training, baka maungusan na ako ng mga pinsan ko, ayokong mangyari yun.

Sa aming mag pipinsan, ako ang pinakamagaling sa pakikipag laban. Walang halong yabang, ako talaga ang nangunguna sa kanila lalo na sa talino. Butaw lang ako pag dating sa pag patay, never pa akong nakapatay ng tao, not even a single one. That's not my job, kaya naman hindi ko talaga ginagawa 'yun' even if I can. Maybe if I'm in a life and death situation, I can kill, but that's only a MAYBE, I'm not sure.

At hindi rin ako sigurado kung hindi ko nga ba magagawang makapatay ng tao kung Malum ang kaharap ko. Ibang usapan na kasi yun.

Hindi naman required sa amin ang pag patay, we have lots of reapers to do that but some of us also do what reapers do. I can't explain why, maybe someday you'll know.

Nag iwan nalang ako ng note para if ever na mag taka sila kung bakit ako nawala ay malalaman nila. Hindi nag tagal ay nakarating na ako sa mansyon, maaga pa kaya wala pang traffic at medyo mabilis din ang pag papatakbo ko sa kotse kaya naman saglit lang ang byahe.

"Good morning young lady, do you want some breakfast?" salubong sa akin ng butler namin na si Mr.Johnson.

"Nope. Just ask someone to prepare the training room. I'll be there in a minute." isang magalang na tango lang ang isinagot ni Mr.Johnson at umalis na. Umakyat ako sa second floor para pumunta sa kwarto, gosh, na-miss ko ang kwarto ko.

Mabilis na nag palit ako ng damit. Nang makapag palit ako ng damit ay itinali ko ang buhok ko. Nang komportable na ako sa ayos ko ay bumaba na ako at dumiretso sa training room.

Nag simula na akong mag stretching para hindi mabigla ang katawan ko sa mga susunod kong gagawin.I'll be doing some kicks and punches later, sayang nga lang at wala akong partner, mas enjoy kasi kapag may kapares ka. For now, that big punching bag will be my partner.

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon