Chapter 30: Half-Iannie, Half-Venus

13.3K 416 20
                                    

-

Iannie

October 1, Saturday, 12:26 AM. Ang gandang panimula talaga. Hindi pa sumisikat ang araw pero heto, panibagong kaso na naman. Sa tingin ko ay kidnap for ransom ang pakulo ng mga mokong na to, hindi naman nila kami ho-hostage-in kung hindi sila mag kakaron ng pera.

Ang nakakainis lang, wala manlang akong dalang kahit anong armas, yung mga reapers na laging nakabantay sa akin matagal ko ng pinatigil sa ginagawa nila, lahat ng mga kidnappers/hostage taker ay armado. Paano na kami nito? Tsk.

Kinuha na rin nila ang mg phone namin, at hindi din mahahalata ng mga guard sa labas na may nangyayari na dito sa loob dahil patuloy pa rin ang malakas na musika. Napalingon ako sa mga kapwa ko estudyanteng nandito, karamihan sa mga babae ay umiiyak na, yung ibang lalaki ay gustuhin mang lumaban ay walang magawa dahil nga armado sila.

Isip Iannie, isip.

"P-Pwede po bang u-umihi? Ihing-ihi na po k-kasi ako..." kinakabahang sabi nung isang babae na sa tingin ko ay sophomore palang.

"Hindi! Dyan ka umihi kung gusto mo! Alam ko na ang taktika na yan!" pasigaw na sagot ng isa sa gagong kidnapper. May napansin ako sa baril na hawak nya na agad na nakapag pangisi sa akin.

Tumayo ako at nag-inat. "Iannie ano ba! Umupo ka nga!" mahinang sita sa akin ni Louis. "I know what I'm doing." sagot ko. "Wag na wag kayong makikialam." blangkong sabi ko.

"Ikaw babae! Di ba ikaw yung nanalo kanina? Aba, mas maganda ka pala sa malapitan." tumawa ang walangya. Blangkong tinitigan ko lang sya.

"Tanga ka ba? Paihim mo sya." utos ko.

"Aba! Inuutusan mo ako? Hindi mo ba nakikita tong baril na hawak ko? Baka gusto mong iputok ko to sayo?"

"Tanga, hindi ako bulag. Glock 19 ang hawak mo." nag simula akong lumakad ng mabagal, papalapit sa gago. Itinutok nya sa akin ang baril pero hindi ako tumigil sa pag lakad.

"Isa pang hakbang mo! Pasasabugin ko ang bungo mo!" banta nya.

"Go on, pero ikasa mo muna yang baril."

"Hindi ako nakikipagbiruan babae!" kinasa nya ang baril at muling itinutok sa akin. "Pasasabugin ko talaga ang bungo mo!" banta nya.

"Sinabing ituloy mo. Bingi ka ba o sadyang tanga lang? Iputok mo! Nang malaman ng mga guard sa labas ang totoong nangyayari dito." nag ngalit ang mga panga nya. "Oh? Bakit hindi mo maiputok?" nakangising tanong ko.

Tuluyan na akong nakalapit sa kanya. Itinutok ko sa noo ko ang baril na hawak nya. "Go. Shoot." pero hindi sya nakilos. Ni hindi nya nga magawang hawakan ang gatilyo ng baril.

Inilapit ko ng bahagya ang mukha ko sa tenga nya. "I know that your gun is fake. You mess with the wrong person, if I were you, I'll run now and hide as far as I could." nakangising sabi ko.

Humakbang ako paatras at seryosong tumitig sa kanya. "Let her go to the comfort room." mahinang sabi ko pero alam kong narinig nya.

Lumunok sya at lumapit doon sa babaeng iihi. "Sasamahan kita! Tumayo ka na dyan! Ayokong pinaghihintay ako!" sigaw ng lalaki. Nakuha nya pa rin talagang magmatapang kahit na bistado ko na sya?

Baliwalang bumalik ako sa pwesto ko kanina. Ramdam ko ang pag sunod ng mga mata sa akin. "Anong sinabi mo dun sa lalaki? Paano mo sya napasunod?" tanong kaagad ni Louis.

"His gun is fake." tipid na sagot ko.

"What? Eh yung sa iba? Fake din ba?" mahinang tanong ni Bullet at isa-isang tinignan ang mga gago.

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon