Minda

2.7K 5 0
                                    

"Ahahaha hahaha haha , sandali lang." hagikgik ng batang babae habang hingal na hingal na ito sa pag-takbo. "Taym persh!" sigaw nito sa batang lalaki na akmang tatayain siya.

"Alam mo, ang daya daya mo! Tuwing matataya ka na mag-tataym pers taym pers ka!" asik naman ng bata, "Wag ka na nga sumali." dagdag pa nito sabay takbo papalayo, habol sa ibang mga kalaro.

Napa-buntong hininga naman ang batang babae at napaupo sa lupa. "Tsah! Pakialam ko kung di nila kalaruin ngayon." himutok niya sa sarili habang gumagawa ng maliliit na burol sa lupa. "May iba pa naman akong alam na laro." ngingiti-ngiting sabi nito.

Nang makagawa siya ng sampung maliliit na lupang burol ay tumayo na siya at pinag-pagan ang sarili. Tuwang-tuwa siya sa ginawa niya.

Matapos matuwa sa ginawa ay kumaripas na ito ng takbo papunta sa kagubatan.

Halos matalisod siya dahil sa mga ugat ng puno na nakausli. Subalit patuloy pa rin siya sa pagtakbo na animo'y nasa karera at isang katerbang kendi ang premyo kung mangunguna siya rito.

-*-

Tumigil lang sa pag-takbo ang bata ng marinig ang rumaragasang tubig at ang huni na ng mga ibon na animo'y musika dahil napakagaan pakinggan.

Nasa gitna na nga ang bata ng kagubatan dahil hindi na niya naririnig ang ingay na dulot ng mga sasakyan, ng mga tsismosang estasyon ng radyo at TV, ang mga pag-bubunganga ng kanyang ina, ang mga pangungutya sa kanya ng kanyang mga kalaro. Hindi na niya naririnig ang mga ingay nila.
Ang pag-pagaspas ng mga puno na dulot ng payapang pag-ihip ng hangin, ang huni ng mga ibon na animo'y musika, ang dayaday na pag-agos ng tubig.

Nasasabik naman ang bata habang nag-lalakad papalapit sa tunog ng kalikasan.

Nang marating ng bata ang tubig, namangha siya sa linaw nito, at nasilaw ng kaunti dahil sa kumikinang-kinang ito dahil sa sinag ng araw na tumatama sa malinaw na tubig. Parang hindi pangkaraniwan ang ganda nito, animo'y ipininta sa pagka-perpekto nito.

Hindi na pinatagal ng batang babae at tumalon na ito sa tubig. Napa-hiyaw siya sa lamig ng tubig na nanuot sa damit niya, tagos sa kayumangging balat niya.

Hindi nga ba't kay gandang ubusin na lamang ang oras kasama ang kalikasan? Ang mag-tampisaw sa malamig at malinis na tubig sa batis man o sapa o ano pa man anyong tubig.

"Mabuti pa dito, hindi ako pinapagalitan kapag hindi ako nakakatulog sa tanghali, hindi din ako inaaway kapag nag-taym persh ako, at tsaka! Walang ingay! Ako lang!" wika ng bata na animo'y may kausap sa sobrang tuwa.

Ilang oras pa ang itinagal niya sa tubig bago napipilitang umuwi.

Pumapatak pa ang tubig sa lupang nadadaanan niya. Malayo pa lang ngunit tanaw na niya ang inang may hawak ng walis tingting habang naka-pameywang at malayo ang tingin. May bahid ng pag-aalala at galit ang mukha nito.

"M-Ma!" hiyaw ng bata.

Ng mataman siya ng kanyang inang papalapit ay hinataw siya nito ng hawak nitong walis tingting.

"SAAN KA NANAMAN GALING NA BATA KA?! KANINA KA PA KITA HINAHANAP!" sigaw ng ina at Hinataw ulit ng waling tingting ang bata.

Hiyaw ng sakit at iyak ng pait na lamang ang nagawa ng bata. Piningot siya ng ina at kinaladkad papasok sa bahay.

"Haru! Diyos ko po! Mahabaging Ama. Pakalmahin niyo nawa si Minda."

"Hayan nanaman si Minda, binubugbog nanaman ang bata."

"Lumuwas lang ng Maynila, lomobo na ang tiyan."

-forgottenpad2401
-06/25/18

One-Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now