I'll go straight to Mental Hospital

935 2 0
                                    

Kakatapos lamang ng nakakapagod na araw at nararamdaman kong nabubuhay nanaman ang mga multo ng negatibo kong mundo. Alam ko sa sarili ko na hindi ko dapat pinapagod ang katawan at utak ko, ngunit hindi ito alam ng mga taong nakapaligid saakin, dahil ang akala nila robot ako na di marunong mapagod.

Kinalabit ako ng katabi ko, at mga limang segundo bago ko siya nakilala, "Kumusta ang experience? Masaya di ba?" tanong pa ni Melany na matalik ko kaibigan mula ng mapabilang ako sa orbanisasyon nila.

Tumango lamang ako at bahagyang ngumiti, sa sobrang pagod ko, pati ang pag-sasalita at pag-labas ng ekspresyon ay nakaka-ubos ng natitira kong enerhiya.

Hindi na niya ako kinausap pa matapos mabatid na pagod na ako. Naging tahimik ang aming biyahe pauwi.

Hindi ko maiwasang gunitian sa aking alaala ang biglang pag-lapit ng mukha ni Mike sa harap ko. Kung nag-kataong sabay kaming gumalaw ay mahaha---masusubsob siya sa matabang pisnge ko.

Pero, ano kaya kung gumalaw ako? Ano kaya kung nasubsob siya sa pisnge ko? Ano bang mababago sa takbo ng buhay namin? Makikita niya na kaya ako bilang babae na maari niyang pakasalan? Mag-kakainteres na rin kaya siya saakin? Bakit ba kasi hindi ako gumalaw?

Ah! Nakakabaliw. Ba't ko ba naman iniisip ang mga bagay na ito? Fuuuh! Would I go straight to mental hospital?

One-Shot Stories CompilationOn viuen les histories. Descobreix ara