The Third and Fourth Wheel

867 7 0
                                    

"Sa susunod na pag-labas namin ni Baste, isasama ka namin." masayang sabi ni Apple saakin nuong minsa'y tumambay ako sa kanila para maki-connect sa wifi nila. Ikinawit niya pa ang kanyang kamay sa braso ko. "Para naman kahit papano, gumagala ka! Hindi yung naka-kulong ka lang lagi sa antic house niyo! Matatapos na ang summer sa bahay ka lang ninyo nalagi!" dagdag niya pa na may halong panunuya.

Kaya andito ako ngayon, sa tapat ng Jollibee, mga ilang minuto na rin akong nakatayo dito at nakatingin lang sa naka-bukas na glass door nito. Maraming tao ang naka-pila at halos naukupa na ang lahat ng upuan at lamesa. Ang sikip nilang tingnan. Ang init nila sa mata. Ang sakit nila sa tenga.

Bumuntong hininga muna ako bago napag-desisyonang pumasok, pinag-titinginan na rin kasi ako ng mga tao. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pedal shorts na suot ko pagka-pasok ko sa loob. May text na galing kay Apple.

Nasan ka na?? 😒
Kanina pa kami dito! 😡

Napaiiling na lamang ako habang nag-titipa ng sagot.

Pisti ka! Sabi na kasing sabay na tayo! Andito na ako sa baba! Asan kayo?!

Pag-kasend ay napag-desisyunan kong tumayo na muna sa gilid pinto katabi ng Guard. Iniiwasan kong tingnan ang mga tao dahil bukod sa expression ng mukha nilang nawiwirduhan saakin---nakakatakam ang mga kinakain nila.

Hindi pa nakakalipas ang isang minuto ay nag-reply na siya.

Nasa taas kami! Akyat na dali!

Mabilis ngunit maingat kong tinahak ang daan patungo sa hagdan ng 2nd floor. Kung hindi ako mag-iingat ay makakabangga ko ang mga crew na may dalang tray ng pagkain o kaya nama'y hugasin, at masasagi ko rin ang mga kumakain. Kahit hindi naman ako protagonist fictional character ay nasa genes ko ang pagiging garapal.

Tahimik akong napabuga ng hangin ng ligtas sila---akong nakarating sa hagdan. Mabilis ang naging pag-hakbang ko kaya naman wala pang isang minuto ay nasa grounds na ako ng 2nd floor.

Nakita ko naman agad si Apple. Tumaba kasi siya over the summer gayundin naman ako pero mas mataba siya. Hindi na ako nagulat ng hindi siya nag-iisa. May kasama siyang dalawang lalaki, malamang ang isa doon ay si Baste niya na dalawang taon at apat na buwan na niyang nobyo at ang isa naman ay---

"Umupo ka na sa tabi ni Baste, Gelay."

"Err...okay."

Bakit katabi ko nobyo ni Apple? Kasi gusto niya nakikita ang expression ng mukha ko kapag may mga ganitong sitwasyon, "So that I can give you hints whenever you're being crappy." Naalala kong sabi niya bago kami mag-hiwalay nung gabing sinabi niya ang tungkol sa araw na to.

Kaharap ko naman ang lalaking katabi ni Apple at kaharap rin ni Apple si Baste. So tama nga naman ang sitting arrangement.

"Nga pala," basag ko sa tinginan ng mag-nobyo. "Nag-order na ba kayo?" tinignan ko ang bawat isa sa mata.

"Ikaw talaga Gelay, basta pag-kain hindi ka nag-papahuli." pang-aasar ni Apple.

"Mahaba ang pila sa baba, malay ko ba. So ano, nakapag-order na ba kayo?"

"Oo na, we got you your favorite. Okay na?" mapanuyang sabat ni Baste.

"Oh! You guys know my fave! How touching! What did you get me then?" sarkastikong balik ko sa kanya.

"A, you know, burger stake with mushrooms and a glass of soda." pang-aasar niyang sagot.

"You son of a gun, you got it wrong!" asik ko sa kanya. "How can you do this to me? Ang haba ng pila sa baba, tapos, tapos, tapos, yung ayaw ko pang pagkain ang inorder niyo..." dagdag ko pa na parang batang nag-mamaktol.

One-Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now