Confession

753 3 0
                                    

Hindi ko alam kung ano nagustuhan ko sayo.
Yung makapal mo bang kilay?
Yung mapupulang labi mo ba?
Yung mapupungay mong mga mata?

Alam mo bang kahit hindi ka libro, naging interesado ako sayo.
Ikaw yung taong akala ko mababasa at makikita ko lang sa imahinasyon ko.
Ikaw ang laman ng panaginip ko na siya namang tinupad mo.

Naalala ko pa nung' umamin ako sayo. Cinipher ko pa pangalan mo. "Wala lang" para may thrill kamo. Pero sa huli, sinabi ko pa rin ng mas malinaw, wala kang effort e. Sabi ko ikaw, ikaw, ikaw, ikaw yung crush ko.

Umamin ako kay crush, sa mga oras na yun naramdaman ko yung sugar rush.
Lalo na nung sinabi mo ring crush mo ako.
Hindi mo alam kung ilang beses akong namatay sa isiping crush ako ng crush ko.

January 2016

-forgottenpad2401

One-Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon