L

478 1 0
                                    

"Mahal, paalam na..."

Nag-simula ang lahat sa iyong madamdaming tula.
Nakuha mo ang atensyon ko, hanggang sa ipinag-tanong ko na, kung ang pangalan mo.

"Hindi ko na kayang..."

Bawat bigkas mo naipaparating mo saakin ang dama mong sakit at pighati.
Halos maiyak ako, akalain mo yun, pinapangarap kita tapos puso mo pala'y hati.

"Paalam na.."

Dalawang salitang nag-patigil sa pag-lipad ng isip ko.
Pinantasya kong sa mga oras na iyon, ako yung mahal mo at nag-papaalam ka na saakin kasi pagod na pagod ka na sa mga kalokohan ko.

"Ito na ang huli..."

May kurot na sa puso ang mga salitang binibitawan mo,
Sa mga oras na yun, nais ko ng akyatin ang emtablado at yakapin ka habang sinasabing, "Paalam ka na sa kanya, andito naman ako, ako na lang.."

"Kaya sa huli, mahal, paalam na..."

Sa iyong huling paalam sa kanya, nabigyan ako ng pag-asa,
Pinapalaya mo na siya at ang sarili mo, kaya labis akong natuwa.

Nag-simula ang kwento natin sa "Mahal, paalam na."
Sana huwag din matapos diyan, kasi, kapag pasuko ka na sa ka-shitan ko sa buhay, yayakapin kita ng mahigpit, yung may umaalimpuyong init, na kahit, ipag-tabuyan mo ng pilit, hinding hindi ako bibitaw ni iisiping ika'y ipag-palit, habang yakap kita sasambitin ko ang mga katagang, "Mahal, dito ka lang sa tabi ko ha? Maaayos natin ito. Mahal na mahal kita."

August 2018

-forgottenpad2401

One-Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now