Congratulations nga pala.

838 1 0
                                    

Ang pinag-halong kulay kahel at puti na langit ang aming matagal na titigan, bago nag-desisyong mag-lakad at umuwi na.

Hindi magkanda-ugaga ang puso ko sa kabang nangingibabaw dito. Putang ina , anang isip ko. Ba't ka ba nag-kakaganyan? asik pa nito. Maya't maya ang pag-kagat ko sa labi ko at ang pasimple kong sulyap sa lalaking nag-lalakad sa tabi ko.

Hindi ako maka-hinga. Parang naninikip ang dibdib ko. Bakit ba ako nag-kakaganito? Kumalma ka. Utos ko sa puso ko. Baka sa sobrang lakas ng kalabog mo(puso), marinig ka niya. Kalma na, pakiusap. Huminga ako ng malalim hahabang paulit-ulit na pinapakalma ang sarili.

Halos tumalon ako at mag-titili ng bigla niya akong kalabitin at tanungin. "Ayos ka lang ba?" malagom ang kanyang tinig pero napaka-lamabing sa aking pandinig. "Kanina ka pa kasi walang kibo."

Tumikhim muna ako at mataman siyang tinignan. Na aking pinag-sisihan dahil habang nag-lalakad kami ay naka-tingin na pala siya saakin. Nag-tama ang aming mga tama, ang mga mata niyang nakakaakit. Sa mata lang rin ako tumitig, ayokong tumingin sa mapupula niyang labi, baka laplapin ko siya sa daang ito.

I can see concern in his eyes, sincerity, the look that can make anyone say; "ah~ fuck yes~ you can have my virginity" even if his question is "What time is it?"

"O-oo.. A-ayos lang ako." utal utal na sabi ko.

"Sigurado ka? Kanina ka pa kasi namumutla. Napagod ka yata sa laro natin kanina." sinipat niya pa muna ang mukha ko bago umiwas ng tingin at tumigil sa pag-lalakad. "May sasabihin ako sayo." umayos siya ng tayo at hinarap ako sa kanya.

Bumuntong hininga siya ng tatlong beses at alanganing tumingin saakin. Napakunot ako ng noo. Hindi ako maka-reacts. Sandaleee! Ito na ba yuuuun? Aamin na ba siya na gusto niya rin ako?! Na after all those years of friendship, nafall na din siya saakin?! WAAAH!

"Anong...sasabihin mo?" sinubukan kong palambingin ang boses ko pero tunog barako pa rin e.

Napangiwi siya pero agad ring nabalot ng kaba at takot ang mukha niya.

"Ano ng sasabihin mo diyan? Ngayon ka pa talaga nahiya mag-sabi saakin."

"Oo na ito na." tumikhim muna ito bago siya bago nag-simula. "Matagal na kitang kaibigan, at alam kong ayaw mo sa mga tulad kong gago. Pero pare, tinamaan talaga ako e.."

"Haaaa???" pereng tenge te, paano kumalma?

Pero sana hindi sumilay sa mukha ko ang kilig at ngiti. Dahil nakakadurog ng pusong babae ang aking sunod na narinig.

"Hindi ko alam kung kailan nag-simula, siguro nung playoffs natin last intramurals, nung nag-dala siya ng tubig at tuwalya para sayo. Pare, tinamaan ako kay Angela."

Nag-dilim ang aking paningin. Nagulat na lang ako ng humandusay siya sa tabi habang sapo niya ang kanyang pisnge.

Si Angela nanaman...

MARCH 2, 2019

-forgottenpad2401

One-Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now