ENGR.

1.2K 3 0
                                    

Tagaktak na ang pawis na tumutulo sa naninilaw kong polo. Ilang kilometro pa ang layo ng paroroonan ko at walang dumadaang sasakyan para mas mapadali ang byahe ko.

Nakakapaso ang init ng araw, maayos sana ang paglalakad-lakad kung mahangin---ay, mahangin nga pala, ngunit mainit pa rin ang samyo nito sa aking balat. Nakakapanuyo ng lalamunan at hindi nakaka-tulong ang pagiging pawisin ko. Paniguradong amoy sukang natuyo ang polo ko at paniguradong mas iitim ang kulay ko. Nakikinita ko na pati ang malalapad na ngisi ng mga kaklase ko.

Nahihirapan ang pusong pinipilit na tahakin ang landas papuntang eskwelahan. Bakit nga ba ako nag-titiyagang pumasok? Kung tutuusin bilang lang sa kamay ang mga araw na pumapasok ang mga guro at kung susumahin halos nagagastusan lang ako sa pamasahe at pakiramdam ko nag-sasayang lang ako ng pisikal na lakas kapag ganitong mahirap makahanap ng masasakyan. Kung ako nama'y hindi papasok, tumutulong ako sa mga gawaing bahay at sa tindahan ni Nanay, pagkatapos ay nililinis ko ang taniman at manukan ni Tatay. Mas mabuti na iyon sa palagay ko, napapakinabangan ng husto ang lakas at talino ko. Madalas naming pag-taluhan ito ni Nanay, nung minsa'y nga'y nasampal niya ako;

"Hindi mo man lang naisip ang mga sakripisyo namin. Gusto mo bang matulad sa Kuya mo?! Hindi nakapag-tapos, dahil ano?! Tinamad. Yung Ate mo, mas piniling mag-asawa ng maaga! Anak, wala kang mararating kung hindi ka mag-aaral, matalino ka nga...pero na saan ang iyong diploma?"

"Anak, konting sipag na lang mag-tatapos ka na."

Napapangiti ako sa sarili kapag naaalala ko ang tagpong iyon. Napaka-swerte ko't nairaraos nila Nanay ang pagpapa-aral saakin. Ilang metro na lang ay natatanaw ko na ang puting gusali ng aming paaralan.

Tagaktak man ang aking pawis, naninilaw man ng husto ang aking polo, sira sira man ang sapatos ko, at makalimutan ko man ang ID ko; papasok ako. Konting sipag na lang, mag-tatapos na ako. Sa kursong inasam ko mula noong bata pa ako. Makukuha ko na rin ang titulong Engr. bilang simula ng pangalan ko.

"Hayaan niyo, Tatay at Nanay, yung mga pagkukulang nila Ate bilang anak, ako na lang mag-pupuno. Ako na lang babawi sa mga nasakripisyo niyo."

MARCH 2, 2019

-forgottenpad2401

One-Shot Stories Compilationजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें