Sana

1.2K 2 0
                                    

Kapag may iba ka na huwag kang mahihiyang mag-sabi saakin. Sobrang ikatutuwa ko kapag nalaman ko mismo sayo. Kasi alam kong ilang galon ng lakas ng loob at tapang ang nilaklak mo para masabi mo. Huwag mo akong idaan sa patutsada mong 'kailangan ko ng space' dahil sobra pa sa space ang ibinibigay kong kalayaan sayo. Kasi kahit mahal na mahal kita, kapag hiniling mong lumaya para sa kanya, ibibigay ko ng buong puso.

Kaya ha? Kapag may iba ka na, sabihin mo agad. Kasi alam kong madali lang naman akong palitan at kalimutan. Iniisip ko nga parati, kung yung mga halik ko sa batok at labi mo ay iniisip mo tuwing gabi. Kung ang bawat pag-hawak ko sayo namimiss mo kapag umuuwi ka na sainyo sa gabi. Kung may epekto ba ang mga halik ko sa sistema mo na kahit kulang ang ibinibigay kong oras sapat na ang mga yun para hindi mo ako iwan kasi ..ma-mimiss mo. Iniwanan ko pa ng marka para kapag hinahawi mo ang mahaba mong buhok maalala mo ako.

Alam kong hindi ako sapat. Pero ang pag-mamahal ko sayo'y tapat. Na sa tingin ko'y walang katapat. Na kahit manliligaw mo'y apat. Itutumba ko silang lahat. Hangga't hindi mo sinasabi na may mahal ka ng iba, ipaglalaban kita.

Kaya kung mamarapatin mo, sana kapag may iba ka na sabihin mo, dahil heto ako. Tangina, handa ng magpaka-tanga sayo.

One-Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now