Ginugunita

535 1 0
                                    

Saan ko ba sisimulan ang pag-lalahad ng ating kwento?
Sa masasaya ba nating pag-sasama o sa mga sakit at pighati na iyong ipinadama?
Paano ko sasabihin sa lahat na nag-mahalan tayo?
Kung naging saksi sila sa pananakit mo.

Hay.

Paano ko sisimulan ang kwentong tayo ang bumuo?
Kung wala ka ngayon sa tabi ko.
Kailangan nandito ka.
Baka kasi puro malulungkot ang isulat ko, ma-turn off pa sayo yang bago mo.

Masaya naman kasi tayo, kahit parehong utak natin may toyo.
Hinding-hindi ako naaasar sa pang-aalaska mo, kasi sating dalawa ikaw ang asar-talo.
Naalala ko pa, payak na parirala lang na 'mahal kita' at yakap---okay na tayo.
Pero nung tumagal, hindi na ito tumatalab sayo.
Hindi na kita nadadaan sa paglalambing ko. Top 1 ako sa Psych kaya malamang hindi ako tanga para di mapag-tanto na may nag-bago.

Ang asaran natin palaging nauuwi sa bangayan.
Ungkatan ng nakaraan at sumbatan ng pagkukulang.
Pag-sasama natin na halos kinaiinggitan ng lahat, ngayon, kanilang hinihiling na sana huwag mangyari sa kanilang lahat.

Paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko na nasasaktan mo na ako, iiwan na kita.
Napatawa na lamang ako ng mapakla ng aking mapag-tantong wala ka na nga palang pakialam, pag-bitaw ko na lamang ang kulang.

April 2018

-forgottenpad2401

One-Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon