L2

578 1 0
                                    

Hindi tayo nag-tapos sa kadahilanang napagod ka.
Tinapos ko na dahil sawa at ayoko na.

Hinding hindi ko makakayang piliting muli ang sarili ko na sumaya. Kahit pa ikaw ang kapiling ko sinta.

Oo, pinangarap kita. Pinangarap kong ayusin at buuin ka. Pero bakit naging parasito ka? At ako'y iyong unti unting sinisira.

Mabuti't napansin nila, kung paano mo pinapatakbo at pinaiikot ang ulo ko. Sa katagalan napag-isip isip ko, ayoko na ng batang katulad mo.

Hindi mo hawak ang buhay at oras ko. Nobyo lang kita hindi pa asawa para paliguan ka ng atensyon ko. Akin ngang napag-tanto, kung hindi ko binaba ang pamantayan ko, magiging tayo ba kako?

Mabilis ang mga pangyayari, palibahasa gusto kita kaya ang bilis talaga ng proseso grabe. Tipong sila hanggang level 1 ikaw umabot ka ng level 3, muntik ka pang maka-score pre.

Hindi ko pinag-sisisihan ang mga halik na binigay ko sayo, ang mga yakap na binigay mo, mga sandaling inuman at pagkain na kasama mo ko. Hindi ko iyon pinag-sisisihan dahil unti-unti nabubura na ito sa alaala ko. May short term memory yata ako.

Marahil, wala sa iyo ang problema. Nasa akin talaga. Pasensya ka na, hindi ko na kasi makita ang dati mong halaga. Hindi ko na rin madama ang sinasabi mong pag-mamahal at aruga. Ayokong manatili nang dahil sa awa.

Iniwan kita hindi dahil sa ako'y may iba. Iniwan kita dahil hindi na kitang mahal talaga.

-@forgottenpad2401
05/29/19
8:21 AM

"A follow up to the chapter "L" from August 2018. Coz that's how it is."

One-Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now