Hindi Ako Out Na-Bisexual

2.2K 5 2
                                    

Hangga't maari, mag-sisinungaling ako.

Sa mga oras na sinasabi mong mahal mo ako, itatanggi kong mahal din kita.
Sa mga panahon na gusto mo akong makasama, mag-dadahilan ako para huwag tayong magkita.
Sa mga minu-minuto mong nakakakilig na mga mensahe, ikukubli ko sa seryosong mukha ang aking mga ngiti.

Dahil hangga't maari, ako'y mag-sisinungaling.

Sa bawat oras na sinasabi mong mahal mo ako, ilang kastigo ng konsensya ang lumalatay sa isip ko. Hindi kita pwedeng mahalin.
Sa mga panahon na gusto mo kong makasama, binibigkis naman ako ng kadena ng konsensya. Hindi kita pwedeng makasama.
Sa minu-minuto mong nakakakilig na mga mensahe, pilit binubura ng konsensya ang mga ngiting nag-babantang kumawala. Hindi ako pwedeng kiligin sayo.

Kaya't hangga't maari, mag-sisinungaling ako.

Dahil sa bawat sayang nararamdaman ko sa piling mo,
Anong sakit naman ang pinaparanas saakin ng konsensya ko.
Mahal kita, gusto kitang makasama, gusto kong sumaya kasama ka.
Pero hangga't maari itatanggi ko, mag-dadahilan ako at ikukubli ko.

Mag-sisinungaling ako.

One-Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now