Pangit

923 2 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing may nag-tatanong saakin kung anong magandang basahin dito sa wattpad, palagi kong nirerekomenda ang storyang What Love Is, Si Milo at ang Kwaderno, Heavy Beauty, May you never find her, Sleeping Maldita---. I find them worth reading and I hope that people would also appreciate them.

Ngayon, nakaupo kami ni Ann sa isa sa mga bench dito sa pampublikong parke ng maliit naming lalawigan. Kinabahan ako bigla ng buksan ng matalik kong kaibigan na si Ann ang Wattpad app ko. Baka hindi ko pa nalinis ang library ko at may natira pang R18+ na mga libro---although excused na ako dun kasi I'm almost 18, pero nakakahiya pa rin. Napaka-tulis pa naman ng dila niya at purong maaanghang na salita ang lumalabas, mabuti na lang at minsa'y napag-sasabihan ko.

Tinignan niya ang mga librong nasa library ko at parang nandidiring ibinalik saakin ang cellphone ko. May R18+ pa na libro? Hala. "O, ito na." sabi niya ng hindi ko pa kinukuha ang cellphone. "Ang pangit ng mga binabasa mo." dagdag niya pa matapos ilapag sa hita ko ang cellphone.

Nag-paulit-ulit ang mga salitang iyon sa isipan ko habang binubuksan ang ibang reading app ko at pinakita ang mga english novels na binabasa ko, ngunit diretso na siyang nakatingin sa sarili niyang cellphone.

Hindi ko matanggap na sinabihan niya ng pangit ang mga binabasa ko!

They're worth to read! You know why english novels sounds good? It's because of the language! Writing in English makes your work exquisite! Pero bakit kapag Filipino, husto na lang ang pang-lalait?! ---ang mga salitang nais kong sabihin. Ngunit hindi ko isina-tinig.

One-Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon