To Tina

1.1K 3 0
                                    

06-20-18

Ang bagal kasi ng data connection dito sa probinsiya kaya idadaan ko na lang sa sulat itong kwento ko sa araw na ito, habang umaasang makakarating ito saiyo at iyong mabasa.

Alam mo, sobrang masaya ako ngayon dahil bukod sa hindi na madalas ang pag-sakit ng ulo ko, ang One-shot Stories na sinusulat ko ay nakasali na san ranking dito sa Wattpad! Hindi ko sukat akalain na mararating ng mumunting librong ito ang rank #171 sa buong 900+ na mga storya.

Sabi nga ng kaibigan ko ay mag-sulat pa daw ako at patuloy ibahagi dito, kasi malay mo di ba? Maging tanyag na manunulat ako tulad ng mga idolo kong si John Green, David Levithan, Maeve Binchy---.

Nag-papasalamat ako sa mga tumatangkilik sinusulat ko at sa walang sawa mong pag-suporta at pag-hikayat saakin na mag-sulat. I can't wait for our cooloveboration.

Bumilis na sana ang mga araw at nang maka-bisita ka na dito at magawa na natin ang mga sulatin natin. Palagi kang mag-iingat, mahal na mahal kita.

Kaibigan mo,
💋Lola

One-Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon