Pa, ako'y nagmamahal na

3.5K 5 0
                                    

Hindi ko alam kung kailan nag-simula. At mas lalong hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.

Sa taong nag-palaki saakin at nag-bigay ng magandang pangalan, nag-aruga na parang ina habang kumakayod na animo'y isang kalabaw, ang kanyang balat na nangingitim na dahil sa kalabilad sa araw matustusan lamang ang aking pang-araw araw na pangangailan. Sa taong nag-hihirap para makapag-tapos ako ng pag-aaral, maibigay lahat ng hinihingi ng mga guro ko, dagdagan ang araw-araw na baon ko, paano ko sasabihin?

Paano ko sasabihin na ang kanyang tinatanging anak na nag-bibigay pag-asa sa kanya upang maka-ahon sa hirap... ay nag-mamahal na?

Paano ko ba sasabihin, ganito ba dapat 'pa, ako'y nag-mamahal na'?

One-Shot Stories CompilationOù les histoires vivent. Découvrez maintenant