Chapter 1

48.4K 827 92
                                    

Alexa Isabelle

" Blag! Blag! Blag!

" Ayyyst, ano ba naman yan, ang ingay ingay naman." reklamo ko, baka si Xhan na naman ang nangiistorbo sa tulog ko. Wala talagang kadala dala ang bunso namin.

" Hoy Alex! Alam kong nandyan ka sa loob, buksan mo tong pinto! Huwag mong antaying gibain ko to!" teka Alex daw?

Si Aling Calixta pala, ang kasera ng tinutuluyang kwarto ang halos gumiba ng pinto na halos giba naman na.

Bumangon ako at nilibot ng mga mata ko ang maliit na kwartong naging bahay ko na. Wala nga pala ako sa bahay kasi naglayas ako. I'm so mad sa ginawa ni Daddy sa Ate Chloe ko.

" Alex! Ano ba! " itinirik ko ang mga mata ko sa pambubulahaw ng matandang kasera. Ang aga aga naman kasi. Kinuha ko ang kinita kong dalawang libo kagabi sa pag wawaitress. Mabuti nalang at maganda ako kaya marami ang tip na natatangap ko. Inayos ko ang pagbuklat ng pera na parang pamaypay saka ikinubli sa likod ko.

Inamoy ko rin ang mabango ko pang hininga. Ayos naman kahit hindi nagmumog. Inayos ko ang buhok ko papunta sa likod. Saka binuksan ang pinto na kunyari ay naghihikab.

" Magandang umaga po Aling Calixta." hula ko ay Calixto ang pangalan ng Tatay niya kaya Calixta naman ang sa kanya. Muntik na akong matawa sa kalukuhang naisip ko.

" Anong maganda sa umaga Alex? Aba'y kanina pa ako nandito ah. " matanda na nga ito at malabo na ang mata, ano daw ang maganda?, kaharap na niya kaya, flip hair.

" HB na naman po kayo, nako ang lines sa mukha Aling Ganda, ang wrinkles, huwag hayaang e stress ang sarili, inhale.," humugot naman ito ng hininga kasabay ko. " Exhale.." ay teka wrong move yata yong exhale, mukhang pati si Aling Calixta nag assume na mabango ang hiningi ngayong umaga.

" Masangsang.." sabay takip ko sa bibig ko dahil naibulalas ko iyon. Tsk! Minsan talaga masarap dagukan ang sarili ko.

" Anong masangsang?" tanong niya sakin.

" Yong kanal ho dyan' sa labasan baka barado na naman." sabay silip ko kunyari sa labas.

" Nako! panigurado may kung sino na namang nagtapon ng basura nila d'yan, sandali nga at pupuntahan ko sa bahay nila si Diding, sila lang naman ang mahilig magtapon ng basura d'yan." napangisi ako ng maglakad palayo si Aling Calixta, nakalimutan yata ang pakay. " Phew!"

Pero agad kong itinago ang ngisi ko ng bumalik siya na masama ang tingin sa'kin.

" Ito na ho ang dalawang libo. Nakalimutan n'yo po kunin." akala ko ay makakalusot ako.

Medyo may kamahalan ang renta sa bahay niyang bagong bago pa ang pagkakasabi niya noong una akong dumating, ganon nalang ang panlulumo ko ng masilayan ito. Mas maganda pa yata iyong bahay ng alagang ibon ni Xhan pero anong karapatan kong magreklamo.

" Nako' Alex, wag mo nga akong pinagluluko baka gusto mong matulog sa kalye?" umiling ako dito ng naka pout.

Kahit naman ganito ang itsura ng bahay ay malinis naman sa loob at mabango naman ang kwarto ko kasi likas na mabango ako. Dati ay naiinitan ako pero ng malaman ko na nagpakabit ng aircon ang kabilang kwarto ay binutasan ko ang dingding ng minsang wala sila ng sa ganon ay umabot sa kwarto ko ang lamig.

Alam ko na masama iyon pero sharing is loving naman, diba?

Kumaway pa ako sa matanda ng makalayo ito. Problema ko na naman ang pangkain sa loob ng isang araw. Singkwenta pesos nalang yata ang natira sa wallet ko at malayo layo pa ang sahuran.

Nagtatrabaho ako sa isang boutique at ako ang nagbabantay ng shop. Gustuhin ko mang pumasok at mag apply sa isang kompanya ay hindi pwede. Baka mahanap lang ako ng Daddy.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon