Chapter 10

23.8K 617 73
                                    

Alexa Isabelle

NAKAlipat na ako ng apartment, medyo cute siya pero mas okay na kaysa doon sa kwarto ko dati kina Aling Calixta.

Hindi naman ako nahirapan maglipat dahil may instant PA ako, bilog talaga ang mundo, dati akong PA niya ngayon siya na tong kulang nalang ay buhatin pati ako.

" Inuulit ko Lorenzo, hindi mo kailangan gawin yan. " pawis na ito sa pagtulong sakin sa pagaayos ng ilang gamit ko.

" I can do this Alex but please stop calling me with my full name , alam ko namang pagkatapos nito mapapabilis ang pagsagot mo sa'kin." aba teka, ano daw?

" May lakad ka ba at nagmamadali ka naman yata? Kahapon ka lang nagsabi na manliligaw ka tapos gusto mo sagutin na kita? Aba masaya ka! " kahit naman crush ko siya, dalagang Pilipina parin ako. Pakipot muna kahit one week. Enebe!

Napakamot ito sa ulo, may kuto pa yata. " Joke lang, ikaw naman, masyado kang seryoso, sige na maupo ka lang d'yan. Kaya ko na to." kung maka kaya naman, akala niya ang hirap mag alis ng mga damit ko sa bag. " Pero siguradong maninibago ako, wala na kasing magiingay at uubos ng pagkain sa unit ko." wow! Ang galing ng compliment niya para sa isang nanliligaw.

" Sinasabi mo bang maingay at matakaw ako?" pinameywangan ko siya.

Umiling ito sabay lipbite. Lecheflan! Ang gwapo. " Basta mamimiss kita, Lex.." kalma self. Kalma lang.

" Nako, ang arte arte mo talaga Lorenzo, ilang hakbang lang ang layo nitong kwarto ko sa unit mo. May miss miss ka pang nalalaman." ang one bedroom na unit na nilipatan ko ay nasa parehong building ng kanya, iisang floor pa, paano ayaw niyang pumayag na maghanap ako sa mas malayo.

" Magkaiba parin tayo ng bahay. Kung balik ka nalang kaya sa unit ko?" nakalabi nitong sabi.

Pagkatapos naming maglipat at lahat?

" Sure, pero ang usapan walang ligaw ligaw total alam ko namang hindi papayag ang tatay ko kapag nalaman niyang nagpapaligaw ako." DAD will be furious.

" Problema ba yon? Di wag nating sabihin sa kanya." nakangisi nitong sagot.

" Ang galing eh no? " pasalamat talaga siya waka ako sa'min dahil sigurado akong dadaan siya sa butas ng karayom. Mabuti na rin na lumipat ako, nag enrol kasi ako online para matapos ko ang ilang units, na sinadya kong hindi ipasa para inisin si Dad. May maipagmalaki manlang ako sa kanila kapag umuwi ako. I know darating ang oras na kailangan ko silang harapin at hindi likurin.

" Done, ang galing ko diba Lex?" proud talaga siya at natapos niyang ilipat ang kaunti kong mga damit sa cabinet.

" Thank you ha, nakakapagod ba?" sarkastikong tanong ko.

Umupo ito sa tabi ko at hinilig ang ulo sa balikat ko. Ito na naman ang sumisirko kong puso. Napabuntonghiniga ito.

" Lalim non ah?" problema nitong sungkit na to?

" Darating na sila Mama at ang mga kapatid ko sa susunod na araw." bakit parang hindi siya masaya?

" Oh bakit parang Byernes Santo yang mukha mo? Diba dapat masaya ka at makakasama mo na sila?" nangangalay na ako, bigat ng ulo nitong sungkit na to. Pasalamat siya gwapo siya.

" Masaya ako syempre pero I know my Mom..,kukulitin lang ako non about sa pagaasawa at erereto niya na naman ako kung kanikanino." Sus! Kala ko naman kung anong pinoproblema niya.

" Ganon talaga kapag tanders kana! " saka ako tumawa. Tatlong taon ang tanda niya sakin.

" Bata pa ako Alex, maka tanders ka naman. I want you to come with me kapag dumating sila." que horror! Meet the parents na agad, wala pa ngang kami..

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon