Chapter 13

19.5K 567 44
                                    

MALIWANAG na nang magising ako kinabukasan, agad akong napabangon at nagtaka dahil nasa kama na ako with matching kumot pa. Nasaan na iyong pasyente ko? Di kaya lumala ang lagnat at nag sleep walk papuntang hospital?

Tinignan ko siya sa ilalim ng kama, baka nahulog, wala. Pumunta ako ng banyo pero wala din siya. Mabilis akong naghilamos at nagtoothbrush saka ipinusod ang curly kong hair na maganda parin kahit walang suklay..

Paglabas ko ng kwarto ay mabangong amoy ng pagkain ang sumalubong sa'kin. At ang pasyenteng hinahanap ko ay nakatalikod at abala sa ginagawa, may pasayaw sayaw pa ang Sungkit. He 's kinda cute. Magaling na yata ito.

" Good morning.." lumingon naman ito sa gawi ko at agad na naglanding ang mga mata nito sa hita ko, cotton short shorts kasi ang suot ko at maluwang na tshirt. " Pssst! Dito ang mata.." ang agaaga, ngumisi naman ito nahuli kasi sa kalokohan.
" Mukhang wala ka ng sakit ah? "

Nakita kong nilagay nito sa plato ang piniritong hotdog.

" Good morning Baby ko. Magaling kasi mag alaga ang Nurse ko kaya wala na akong sakit. Let's eat.." good morning, Ano daw? Nagising yata lahat ng ugat ko sa katawan sa sinabi niya.

" Anong sinabi mo?" baka nagkamali lang ako ng dinig..

" Sabi ko kumain na tayo. Thank you for taking care of me." hindi ko gusto ang ngisi niya, may something.

" Not that one, yong una mong sinabi.." pigil ang hininga ko habang hinihintay ang sagot niya..

" Good morning Baby..." nanlaki ang mata ko, hindi nga ako nagkamali ng pandinig. Baby daw!

Nalintikan na, gising ba siya kaninang madaling araw?

" Hindi pa kita sinasagot Lorenzo kaya wag mo akong tawagin ng kung ano ano." nilagpasan ko siya at nagtimpla ng kape. Baby talaga ang napili niya? Sabagay baby face din naman ako.

" Napanaginipan ko kasi na gusto mong may tawagan tayo, kaya from now on, ikaw ang baby ko. " napanaginipan o narinig? Yong totoo?

" Lo- lorenzo, umamin ka nga sa'kin." Iniumang ko sa kanya ang hawak kong kutsarita." Ikaw ba, talagang napanaginipan yan o narinig mo ako kaninang madaling araw?" kandautal na tanong ko.

" Baby, napanaginipan ko nga.." siningkitan ko siya ng mata.

Nanlalaki ang butas ng ilong niya meaning nagsisinungaling ito. " Wag mo akong tawaging Baby, ang tanda tanda ko na." pahamak talaga itong bibig ko, hindi magandang nagigising sa madaling araw.

Nakakahiya! Posibleng narinig din niya na patay na patay ako sa kanya! Omeeegaaaadd! Gusto ko ilibing ang sarili ko ng buhay!

" No! I will call you whatever I want. You are my baby, pwede mo din akong tawaging Baby mo, wala namang nagbago liligawan parin kita pero baby na kita.." saka ito nagsimulang kumain. Nahilo ako sa sagot niya.

Baby niya? Pinigilan ko ang mapangiti. Kiligness mga besh! Hihimatayin si Perlita panigurado. Siya baby na kung baby..

Pinili ko nalang manahimik habang kumakain, parusa ko iyon sa pagseself talk ko, narinig tuloy ako ng Sungkit. Ano nalang ang iisipin niya?

Isa akong dakilang pakipot? Deym!

" Fried rice pa, Baby.." nilagyan niya ng kanin ang plato ko. " Bakit parang matamlay ka? Baka nahawa ka sa'kin at ikaw naman ang magkasakit? " sinalat niya ang noo ko. Kailangan talaga malambing ang boses?

" Wala akong sakit, kumain ka na nga." kagabi pa ako hindi makahinga ng maayos dahil sa kanya.

" Salamat sa pag aalaga sakin, Baby." gusto ko ng busalan ang bibig niya, nasobrahan yata siya sa paracetamol kagabi. Iba ang tama.." Maliligo lang ako tapos sabay na tayong papasok."

Maldita Princess (Completed)Where stories live. Discover now